• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Phoenix inambush ang San Miguel

BINUHAT ni RJ Jazul ang Phoenix Super LPG sa panalo kontra sa San Miguel Beermen, 110-103, sa 2020 PBA Philippine Cup na ginanap sa Angeles University Gym sa Pampanga.

 

Sumiklab ang 5-foot-11 at kumamada ang 33 career high points kasama ang siyam na three points kung saan malaki sa kanyang naibuslo ay sa 4 th quarter dahilan para makuha ng Phoenix ang kanilang ika-anim na panalo.

 

Bawat buslo ng Beermen ay sinasagot ng Phoenix na tila hindi napagod sa laban.

 

Bukod kay Jazul, naging susi rin sa panalo sina Matthew Wright na may 10 points at 10 assists at Calvin Abueva na laging nagdadala ng sigla at lakas sa koponan.

 

Dahil sa panalo, pinutol ng Fuel Masters ang four-game winning streak ng reigning five time champion San Miguel at pormal na din silang nakapasok sa quarterfinals sa anim na panalo sa siyam na laro.

Other News
  • Dagdag pang 1.3-M Moderna vaccines dumating sa PH

    Panibago na namang maraming bilang ng Moderna vaccines ang dumating nitong araw ng Martes sa Pilipinas.     Ang mga bakuna ay sakay ng China Airlines plane na nag-landing sa NAIA Terminal 1 sa ParaƱaque City na kabilang sa nabili na suplay ng Pilipinas.     Sa ngayon ang Moderna supply ng bansa ay umaabot […]

  • PBBM, hangad ang agarang pagpapasa ng panukalang 2025 budget

    SINERTIPIKAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang urgent ang pagpapasa ng House Bill No. 10800 o 2025 General Appropriation Act (GAA) ng Senate of the Philippines.     Sa isang liham na naka-addressed kay Senate President Francis Escudero, may petsang October 29, sinertipikahan ni Pangulong Marcos ang pangangailangan ng pagsasabatas ng GAA, na magpo-provide para […]

  • DFA, pinasalamatan ang Qatar, Israel at Egypt sa pagpapalaya sa bihag ng Hamas

    NAGPAHAYAG ng pasasalamat ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga gobyerno ng Qatar, Israel at Egypt para sa kanilang pagsisikap na nagdulot ng pagpapalaya sa isa pang Pilipino.     Pinasalamatan ng DFA ang Estado ng Qatar sa pamamagitan ng pag-uusap na humantong sa pagpapalaya kay Noralin Babadilla, na nasa bihag ng Hamas sa […]