Phoenix Suns target si Chris Paul
- Published on November 12, 2020
- by @peoplesbalita
KINAUSAP ng Phoenix Suns ang Oklahoma City Thunder sa posibleng pagkuha nila kay All-Star point guard Chris Paul.
Maganda umano ang naging pag-uusap ng dalawang koponan pero wala pa umanong namumuong deal, ayon sa source.
Matatandaang iniligay din dati ng Thunder sa trade market sina Paul George at Russel Westbrook at ngayon handa na rin itong i- trade si Paul.
May mga mahuhusay na young roster sa pangunguna ni Devin Booker at Deandre Ayton ang Phoenix Suns kung saan maganda ang naging performance nito sa NBA bubble sa Orlando.
Bukod sa mga mahuhusay na batang manlalaro, ibinida rin ng Suns na malapit nang matapos ang first phase ng ginawang $230 million renovation ng Talking Stick Resort Arena. Target ding buksan ng Suns ang kanilang bagong $45 million state-of-the- art practice facility ngayon buwan.
Magkakaroon ng sobrang $20 million sa salary-cap space ang Suns ngayon transaction season na nagbigay sa kanila ng posibilidad na magkaroon ng magandang trade at makahanap ng free agents.
-
Scott Eastwood Reprises His Role As ‘Little Nobody’ In The Upcoming ‘Fast and Furious 10’
SCOTT Eastwood is returning to The Fast Saga, reprising his role as Eric Reisner a.k.a. Little Nobody in Fast & Furious 10. Also known as Fast X, the tenth film in the main franchise is currently in production after a brief but significant snafu regarding its filmmaker. Director Justin Lin, who returned to […]
-
Angelica, nag-comment sa post ni Gregg Homan na tinawag siyang ‘Honn’
MATAPOS ngang ma-link si Angelica Panganiban kay Zanjoe Marudo na sinasabing ‘rumored boyfriend’ na kanilang sinakyan lang, patuloy ang pagko-comment ng netizens sa isa pang photo nila at ang ilan ay hindi talaga naniniwala dahil pareho raw silang may ka-relasyon. Ilang sa naging comment nila: “Kung sinasabi niyong walang respeto si Angge sa […]
-
Target na mabakunahan ng booster shot sa unang 100 araw ng Marcos administration, nirebisa
BUNSOD nang patuloy na mababang bilang ng nagpapabakuna ng booster dose sa bansa, nirebisa ng gobyerno ang inisyal na target sa unang 100 araw ng termino ng Marcos adminsitration. Ayon kay DOH Officer-in-Charge Ma. Rosario Vergeire, inisyal na target ng pamahalaan ay nasa 50% ng eligible population ang mabakunahan ng unang booster shots. […]