Pia Wurtzbach, ‘not engaged & not pregnant’
- Published on December 9, 2020
- by @peoplesbalita
Tinapos na ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang mga ispekulasyon hinggil sa umano’y ikakasal na sa bagong foreigner boyfriend.
Ayon sa 31-year-old half German beauty na tubong Cagayan de Oro, marami ang nagbigay-kulay sa nakaraang “5 weeks countdown” ng Venezuelan businessman boyfriend niyang si Jeremy Jauncey.
Gayunman, patungkol aniya ito sa kanilang unang Pasko bilang magkasintahan na magkasama at hindi ‘yaong buntis na raw.
“He is very matter of fact, it actually meant till Christmas!” natatawang sambit nito sa khaleejtimes.
Dagdag nito, “I’m not engaged or anything like that. I’m not pregnant! It’s literally us spending Christmas together. It will be the first time I will be spending Christmas with him and I’m excited to experience that.”
Buwan ng Oktubre nang maging palaisipan sa fans ng magkasintahan ang pahiwatig ni Jauncey na mayroon silang malaking rebelasyon ano mang oras o araw.
Sa iba’t ibang social media, nariyan ang hula na engaged na ang dalawa, o ‘di kaya ay buntis daw ang pangatlong Pinay Miss Universe, habang may mga nagsabi na baka bagong proyekto lamang ng magkasintahan.
Una rito, makabuluhan ang pahayag ni Jeremy Jauncey na maraming dapat ipagpasalamat kabilang ang kalusugan, career, at pamilya, bagay na sinang-ayunan ni Wurtzbach.
“Yes my love 😊 exciting times ahead ❤️” sagot ng pangatlong Pinay Miss Universe.
Ang 34-years-old na si Jauncey ay lumaki sa Scotland at Chief Executive Officer ng isang multi-platform travel content brand.
-
PBA Special Awards sa online/tv na lang muna
Idaraos ang PBA Season 45 Special Awards sa Enero 17 sa pamamagitan ng iba’t ibang digital platforms. Dahil sa epekto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, mas minabuti ng pamunuan ng liga na idaos na lamang ito sa online conferencing. Igagawad ang iba’t ibang individual awards kabilang na ang Best Player of the Conference […]
-
PCG, K9 EOD, nagsagawa ng paneling inspection
NAGSAGAWA ng paneling,inspection at iba pang security measures ang Philippine Coast Guard (PCG) K-9 Explosive Ordnance Disposal (K9-EOD) Team. Ito ay kaugnay sa Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) sa Manila. Ang PCG ay bahagi ng security cluster, kasama ang Philippine National Police (PNP). Ang gobyerno ng Pilipinas sa pakikipagtulungan […]
-
TONY, nakapagpiyansa na at nag-file na rin ng motion for reconsideration para sa kaso niya
NAKAPAGPIYANSA ang kontrobersyal na aktor na si Tony Labrusca pagkatapos siyang kasuhan for aggravated acts of lasciviousness ng Makati Office of the City Prosecutor. Sa kanyang statement to ABS-CBN News Monday, Labrusca’s counsel Joji Alonso affirmed that Labrusca is innocent of the acts of lasciviousness charge. “We sustain that Mr. Labrusca […]