• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Picture nila, pinost pa sa page ng American singer: SHARON, tuwang-tuwa na na-meet ang childhood hero na si BARRY MANILOW

TUWANG-TUWA nga si Megastar Sharon Cuneta nakapanood siya ng concert ng kanyang idol ni Barry Manilow sa Westgate Las Vegas Resort & Casino International Theater, at na-meet pa niya after ng concert.

 

Naisingit talaga ito ni Sharon habang may US-Canada tour ang ‘Dear Heart’ concert nila ni Gabby Concepcion at nagtugma naman na wala silang show.

 

Super happy ngang pinost ni Mega ang photo na makikita na magkasama sila ni Barry sa naganap na photo-op, na labis niyang ikinatuwa at ipinagmamalaking iniidolo niya ang sikat na American singer-songwriter.

 

Caption ni Mega, “When you meet your childhood hero here and are waiting for the email with your photo from his people to come in, then your hero posts your picture on his page!!! Oh. Em. Gee. I love Barry Manilow! And will do so til the day I die!!!❤️❤️❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻 @barrymanilowofficial@chetcuneta @louieocampo.”

 

Sa next IG post niya, kasama ang mga photos habang nasa audience, caption niya, “Me at the Barry Manilow show last night! Singing, dancing, laughing, crying…OMG! @barrymanilowofficial 💖💖💖 Magical!!!”

 

 

May nabasa kaming comment, na lahat na lang daw ay favorite ni Sharon, na parang nagdududa pa sila.

 

Totoo naman idol niya si Barry Manilow na napakaraming love songs noong 70s at 80s na minahal ng mga Pinoy. Kaya sa concerts at TV show ni Sharon, marami na siyang kinantang hits ni Manilow, na naging bahagi na talaga ng kanyang buhay.

 

At bilang patunay sa pagkagusto niya sa mga songs ni Manilow, nag-post si Sharon na kumakanta ng hits nit sa isa niyang concert, mapapakinggan ang medley “Ready To Take A Chance”, “Could It Be Magic?”, “If I Should Love Again”, “Somewhere Down The Road”, “Even Now”, “Looks Like We Made It”, “This One For You” at “I Write The Song”.

 

Samantala, may last three shows pa sina Sharon at Gabby na puwede pang habulin ng ShaGab fanatics: Nov. 21 sa Club Regent Events Center sa Winnipeg, Canada; Nov. 23 sa Hawaii Convention Center at sa Nov. 29 mapapanood naman sa Chandos Pattison Auditorium sa Surrey, BC, Canada.

 

 

Congrats Sharon and Gabby, sa successful concert tour!

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Gobyerno, handang magbenta ng iba pang ari-arian sa Japan

    MAAARING magbenta ng iba pang ari-arian ang pamahalaan maliban real estate assets sa Japan kung kakailanganin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang maraming pondo para sa mga pangunahing programa nito.   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, walang dapat na ikabahala ang publiko dahil tinitiyak naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may sapat […]

  • Kakulangan ng valid ID at digital literacy, dahilan ng mabagal na SIM registration sa bansa

    KAKULANGAN sa government valid IDs at digital literacy ng mga SIM card subscribers ang itinuturong dahilan ngayon kung bakit nagiging mabagal ang pag-usad ng SIM registration sa bansa.     Sa ngayon kasi ay aabot pa lamang sa 66 million o 39 percent ng kabuuang bilang na 168 million ng mga SIM card users sa […]

  • Mabilis na transmission ng poll results, nakagugulat- political analyst

    NAKAGUGULAT para sa isang political analyst ang mabilis na transmission ng resulta ng 2022 elections kumpara sa nakalipas na halalan sa bansa.     Sinabi ni political analyst Ramon Casiple na bagama’t mabilis ang transmission ng resulta ng 2022 elections ay napakaaga pa aniya para magbigay kaagad ng konklusyon.     “Nagulat ako doon sa […]