• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PIE Channel, angat sa mga palaro at talentong Pinoy… ANJI, naka-relate sa mga ‘ekstra’ at nakaranas na ibabad sa tubig

PANALONG-PANALO ang PIE (Pinoy Interactive and Entertainment) Channel sa paghahatid ng mga angat na palaro at talentong Pinoy dahil sa mas pinasiksik na mga programa sa PIENALO PINOY GAMES, PIEGALINGAN, at PAK PALONG FOLLOW ng

 

Masayang mga larong tatak Pinoy kung saan bayanihan at diskarte ang kailangan ng mga nanonood sa kanilang mga tahanan sa PIENALO PINOY GAMES.

 

Mula Lunes hanggang Biyernes maaring makapag uwi ang sambayanan ng hanggang 50,000 pesos. Pwedeng salihan ang “Matching Matching” ( 7 pm – 8 pm) na isang “matching” card game na hango sa Filipino card game na ungguy-ungguyan at ang “Dagdag Bawas” (6 pm – 7 pm) na interactive game na tungkol naman sa tantyahan.

 

Pagsapit ng Sabado, tiyak aapaw ang saya at papremyo hanggang 100,000 pesos sa “PoB Sana All!” ( 6 pm – 8 pm) na interactive comeback ng sikat na ABS-CBN game show na “Pera o Bayong.” Tuwing Linggo naman mapapanood ang “Sino’ng Manok Mo?” (6 pm – 8 pm) kung saan may tsansang manalo ng perang papremyo ang 100 viewers.

 

Magsisilbing jocks naman ng PIENALO PINOY GAMES sina Eian Rances, Negi, Sela Guia, Kevin Montillano, Nicki Morena, Ruth Paga, Nonong Ballinan (Lunes hanggang Sabado) Inah Evans, Kid Yambao, Patsy Reyes, at Jackie Gonzaga (Linggo).

 

“Mas nagu-grow kami ‘nung nadagdagan kami na hosts. Masaya po kami off-cam. Talagang ang iingay namin and meron kaming group chat na nagpaplano kami ng mga gusto naming suotin or gawin for the show,” sabi ni Eian.

 

Dagdag kuwento pa ni Eian sa mga pinagdaanang isyu noong nasa loob pa siya ng PBB house na hindi ito naging madali na kung saan natanggap siya nang pamba-bash.

 

“Hindi talaga siya naging madali dahil ilang buwan ko ring dinala ‘yun bigat,” pag-amin ng actor/host.

 

“Pero as of now, sobrang okay na ako, kumbaga, nakalipas na sa akin ‘yun, in-end up ko na lahat. Sabi ko nga noong lumabas ako ng PBB, ito ‘yung time na mas magpapakilala sa labas.

 

“Everyday kong ipo-prove ang sarili ko sa mga tao. And thank you sa PIE kasi nabigyan ako ng ganitong opportunity na sa every day show na ito, maipapakita ko kung sino talaga ako.”

 

Ibinahagi rin ni Nicki na nagdarasal sila bago magsimula ang kanilang palabas.

 

“Before mag-start ‘yung show, nagdarasal kami. Palagi naming mantra sa show, magbabago kami ng buhay today. Kasi everyday marami kaming napapapanalong viewers,” saad niya.

 

Samantala, galing ang panlaban sa talent variety block na PIEGALINGAN kasama sina Anji Salvacion, Eris Aragoza, Ralph Malibunas, Sam Bernardo (Lunes hanggang Sabado), at PAK PALONG FOLLOW kasama sina Gello Marquez, Jeremy G, Reign Parani, at Vivoree (Linggo).

 

Masaya naman si Anji na nabigyan ng pagkakataong maging isang PIE jock. “I feel so blessed na I’m here and I’m given this opportunity to showcase myself, my personality, and my talent,” kwento niya.

 

Labis naman naka-relate si Anji sa pagiging ‘extra’ na pinagdaanan pa niya, pero mas matindi pa siyang kuwento na kung saan nagiging emosyonal pag naaalala niya.

 

“Grabe talaga ang iyak ko noon, kasi it was so sad, but i was happy rin. Kasi nakababad ako sa tubig for the entire day. Hindi ako nag-swimming, para kasi ‘yun sa commercial ng sabon, double body kasi ako eh.

 

“But you know what, I appreciate life more and those people na who really work hard and auditioned so hard. Kasi it was really hard, during, wala pang pandemic, kasi yun linyahan sa audition.

 

“Tapos ‘yung pawis mo, patak na patak na, yung mukha mo, putok na putok na yun make-up mo, habang nakapila. It was a learning experience na, it just make overall make me grateful and grounded.”

 

Samantala, nagbahagi naman si Jeremy G kung bakit malapit sa kanyang puso ang kanilang show na PAK PALONG FOLLOW.

 

“Sa PAK PALONG FOLLOW we give the platform to content creators to show their talents. And then we give them the opportunity to be exposed sa mga katroPIE natin,” sabi ni Jeremy.

 

Mula Lunes hanggang Sabado, maaaliw ang viewers sa husay ng Pinoy sa “Ekstra Ordinaryo” (4 pm – 5 pm) at Ekstra Oridinaryo Next Level na mga interactive artista search para sa mga taong gustong maging ekstra at artista sa mga palabas.

 

Ngayong linggo rin gaganapin ang grand PIEnals ng “Ekstra Ordinaryo Next Level.” Maglalaban na para sa titulo ang finalists na sina Mustafa (Ang Ekstrang Action Dad ng Tarlac), Popsy (Ang Ekstrang TikTokerist ng Tarlac), Juan (Ang Ekstrang Future Direktor ng Manila), Neo (Ang Ekstrang Dreamboy ng Manila), Rinoa (Ang Ekstrang Prinsesa ng Pamilya ng Cavite), at Minnie (Ang Ekstrang Adventurer ng La Union) upang matupad ang kanilang pangarap na makita sa TV o sine.

 

Tuwing Linggo, iba’t ibang talento naman ang ipapakita sa talk-variety show na “Pak! Palong Follow” (4 pm – 6 pm) na layuning ipamalas ang kakaibang mga talento ng netizens na nagbibigay sigla sa kanilang followers sa social media.

 

Ang PIE ang unang multiscreen, real-time interactive TV channel ng bansa, kung saan pwedeng sumali at manalo ng cash prizes ang araw-araw.

 

Hanapin ang PIE channel sa pag-scan ng iyong digibox. Available rin ito sa worldwide sa website (pie.com.ph), YouTube (http://youtube.com/iampieofficial), BEAM TV, Sky Cable Channel 21, at Cablelink Channel 100.

 

Pwede ring mapanood ang PIE live sa GLife ng GCash app. Ang PIE ay hatid ng ABS-CBN, Kroma Entertainment, BEAM, at 917Ventures. Sundan ang PIE (@iamPIEofficial) sa Facebook, Twitter, Instagram at TikTok para sa mga update.

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Most wanted person sa statutory rape, nabitag ng NPD sa Malabon

    NALAMBAT ng mga operatiba ng District Intelligence Division ng Northern Police District (DID-NPD) ang isang machine operator na listed bilang most wanted sa dalawang bilang ng statutory rape sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City.     Kinilala ni DID Chief P/Col. Alex Daniel ang naarestong akusado bilang si Jose Ryan Sarmiento, 42, machine operator […]

  • PBBM sa mga manggagawang pinoy: ‘KAYO ANG PUSO AT KALULUWA NG ATING LAKAS-PAGGAWA; KAYO ANG MUKHA NG BAGONG PILIPINAS’

    PINARANGALAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga manggagawang filipino habang pinangunahan ang ika-122 Labor Day Commemoration at ika-50 taong anibersaryo ng proklamasyon ng Labor Code of the Philippines (LCP). Sa naging talumpati ng Pangulo sa nasabing pagdiriwang sa Palasyo ng Malakanyang, nagpaabot ng pasasalamat ang Pangulo sa mga Filipinong manggagawa sa Pilipinas at […]

  • 38K doses ng AstraZeneca vaccines mula COVAX, dumating na sa Pilipinas

    Dumating na sa Pilipinas ang 38,400 doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng British-Swedish company na AstraZeneca nitong Linggo.     Alas-6:44 nitong gabi nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang KLM commercial flight na may dala sa ikalawang batch ng bakuna mula inisyatibo ng World Health Organization (WHO).     […]