• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pigaan ng utak sa Tarlac chess, sisiklab

MAGPAPASIKLABAN ngayong araw (Sabado, Pebrero 29) ang mga woodpusher sa Tarlac City Chess Club Inc. Open Invitational Chess Tournament at sa 2200 And Below Rapid Chess Championship sa Brgy. Sto Cristo Gym sa Tarlac City.

 

Suportado nina TCCCI president Arnold Soliman, sportsman Jesus Tayag, ABC president Winston Torres at New York-based Rainier Labay ang one day rapid chess tournament na bukas sa lahat ng manlalaro, master man o non master, anuman ang kasarian at edad na hindi lalagpas sa 2200 ang rating.

 

Nakalaan sa magkakampeon ang P7,000 habang sa second placer ay P5,000, at sa third ay P3,000. May P1,000 habang ang fifth hanggang tenth placers ay P500 bawat isa.

 

May mga prize rin sa category winner na tigli-P500 para sa magiging top senior, top lady, top senior, top 14 and under, top elementary, top high school at top college. Ang registration fee ay P300. (REC)

Other News
  • ‘Price ceiling’ sa mga bilihin hirit sa ika-9 linggo ng oil price hikes

    NANAWAGAN na ng “price ceiling” ang ilang magsasaka’t consumer sa Department of Trade and Industry (DTI) para mapigilan ang lalong pagtaas ng presyo ng mga bilihin kasabay ng ikasiyam na sunod na linggong pagtaas ng presyo ng langis — ito habang sinasakop ng Russia ang Ukraine.     Lunes nang sabihin ni Bangko Sentral ng […]

  • 5.6 milyong doses ng bakuna mula Pfizer, AstraZeneca parating na

    Inihayag kahapon ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na parating na ngayong kalagitnaan ng Pebrero ang tinatayang 5.6 milyong doses ng bakuna mula sa Pfizer-BioNTech at AstraZeneca.     Nakapaloob sa liham mula kay Aurélia Nguyen, managing director of the World Health Organization-led COVAX facility, na […]

  • Pinas, sumali sa ‘global call’ kontra marine plastic waste

    SUMALI ang gobyerno ng Pilipinas sa agarang panawagan na tugunan ang malawakang plastic waste sa buong mundo na patuloy  na nagdudumi sa karagatan.     “For many Filipinos, the sea is livelihood and life for all Filipinos as a nation it is our definition as such. We are a people of water, we’re a maritime […]