Piliin ang kandidato base sa paninindigan
- Published on February 21, 2025
- by Peoples Balita
SINABI ng Commission on Elections sa mga botante na dapat pumili ng kandidato sa 2025 elections base sa kanilang paninindigan sa mga isyu hindi base sa kanilang personalidad.
Binanggit ni Comelec Chairman George Garcia ang kahalagahan na obserbahan ang mga kandidato sa panahon ng kampanya at alamin ang kanilang pamana sa mga problema ng bansa.
Ang pahayag ay ginawa ni Garcia kung kung maaaring pilitin ng poll body ang mga kandidato na dumalo sa mga debate para sa 2025 elections.
Inulit ni Garcia na habang walang batas na nagre-require sa mga kandidato na makilahok sa mga debate, sinabi niya na lahat ng kandidato ay dapat atasan na iprisinta ang kanilang plataporma sa harap ng publiko.
Aniya, dapat may karampatang parusa sa disqualification for refusal to attend election debates.
“Yun po, kailangan sana namin ng batas sa bagay na yan”, sabi ni Garcia.
Sinabi rin niya na ang pagpasa ng batas na nag-uudyok sa mga kandidato na dumalo sa mga debate ay isang paghahanda para sa halalan sa 2028.
Nauna niyang sinabi na ang Comelec ay maaaring mag-endorso ng mga debate na pinangungunahan ng mga media outlet. (Gene Adsuara)
-
558 Bulakenyo, tumanggap ng burial at calamity assistance
LUNGSOD NG MALOLOS – Umabot sa 258 Bulakenyo ang pinagkalooban ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng burial assistance habang 300 naman para sa calamity assistance sa ginanap na Pamamahagi ng Tulong Pinansyal Para sa Housing Materials ng mga Nasalanta ng Bagyong Ulysses at Burial Assistance na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kahapon. Ayon sa […]
-
YORME ISKO, TUMANGGING PAG-USAPAN ANG PULITIKA
TUMANGGI muna ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na pag-usapan ang pulitika dahil nakatutok ito sa pagtugon sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Ito ay matapos siyang hingan ng komento hinggil pagsama sa kanya sa listahan sa mga posibleng kandidato para sa 2012 election ng bagong tatag na electoral […]
-
‘Downton Abbey: A New Era’ Now Screening Exclusively at Ayala Malls Cinemas
DOWNTON Abbey: A New Era, the much-anticipated cinematic return of the global phenomenon reunites the beloved cast as they go on a grand journey to the South of France to uncover the mystery of the Dowager Countess’ newly inherited villa. The film is directed by Simon Curtis and written by Julian Fellowes. The […]