Piling eskuwelahan ang magdaraos ng face-to-face classes mula Enero 11 hanggang 23, 2021
- Published on December 17, 2020
- by @peoplesbalita
MAY ilang piling eskuwelahan sa mga lugar na nasa low risk para sa COVID-19 transmission ang magdaraos ng face-to-face classes mula Enero 11 hanggang 23, 2021.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang dry run ay imo-monitor ng Department of Education (DepEd) at COVID-19 National Task Force.
Ang huling linggo naman ng Enero ay ilalaan sa pagsusumite ng reports hinggil sa kinalabasan ng pilot face-to-face classes at ebalwasyon para sa final rekomendasyon kay President Rodrigo Duterte.
Batay sa timeline na ibinigay ng DepEd, ang regional directors ay kailangan na magsumite kay Education Secretary Leonor Briones ng listahan ng mga nominated schools “on or before December 18.”
Si Sec. Briones ay pipili ng pilot schools sa December 28, na susundan ng orientation, mobilization at readiness confirmation ng mga mapipiling eskuwelahan.
Sinabi ng Kalihim na may ilang rural areas ang nagpahayag ng interest sa pagsasagawa ng face-to-face classes.
Nauna rito, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsasagawa ng pilot implementation ng face-to-face classes sa ilang piling eskuwelahan sa low-risk areas.
Sa Cabinet meeting, ngayong gabi, Disyembre 14, 2020, inaprubahan ng Chief Executive ang presentasyon ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng pilot implementation o dry run ng face-to-face classes sa piling eskuwelahan sa mga lugar na low COVID-risk para sa buong buwan ng Enero 2021.
Makikipag-ugnayan ang DepEd sa COVID-19 National Task Force (NTF) para sa pagmomonitor ng isasagawang pilot implementation.
“The pilot shall be done under strict health and safety measures, and where there is commitment for shared responsibility among DepEd, local government units and parents,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Aniya, kailangang bigyang-diin ng pamahalaan na ang face-to-face classes sa mga eskuwelahan na papayagan ang ganitong sistema ay hindi compulsory kundi voluntary sa panig ng mag-aaral at magulang.
“Having said this, a parent’s permit needs to be submitted for the student to participate in face-to-face classes,” diing pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Halos 100% na ang kondisyon ni Pacquiao 19 days bago ang laban
Halos 100% na umano ang kondisyon ni Pinoy ring icon Manny Pacquiao bilang paghahanda sa laban nito kay Errol Spence Jr. Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Lee Marinduque, founding chairman ng Manny Pacquiao for President Movement na nasa California USA ngayon, nasa maayos ang takbo ng pagsasanay ni Pacman 19 […]
-
Ads January 24, 2020
-
Simon isinabit na ang playing jersey
DAHIL sa paglagay na ng Magnolia Chicken sa kanya sa unrestricted free agent, ipinasya ni Peter June ‘PJ’ Simon na magretiro matapos ang 17 taong paglalaro sa Philippine Basketball Association (PBA). Para tipid, sa social media na lang pinarating ng beteranong basketbolista ang kanyang saloobin. Iginiit ng 40 taong-gulang, may taas na 5-11 […]