• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Piling eskuwelahan ang magdaraos ng face-to-face classes mula Enero 11 hanggang 23, 2021

MAY ilang piling eskuwelahan sa mga lugar na nasa low risk para sa  COVID-19 transmission ang magdaraos ng   face-to-face classes mula Enero  11 hanggang  23, 2021.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang  dry run ay imo-monitor ng  Department of Education (DepEd) at COVID-19 National Task Force.

 

Ang huling linggo naman ng Enero ay ilalaan sa pagsusumite ng  reports hinggil sa kinalabasan ng pilot face-to-face classes at ebalwasyon para sa  final rekomendasyon kay President Rodrigo Duterte.

 

Batay sa timeline na ibinigay ng  DepEd, ang  regional directors ay kailangan na magsumite kay  Education Secretary Leonor Briones ng listahan ng mga nominated schools “on or before December 18.”

 

Si Sec. Briones ay pipili ng  pilot schools sa December 28, na susundan ng  orientation, mobilization at readiness confirmation ng mga mapipiling eskuwelahan.

 

Sinabi ng Kalihim na may ilang  rural areas ang nagpahayag ng interest sa pagsasagawa ng  face-to-face classes.

 

Nauna rito, inaprubahan  ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsasagawa ng pilot implementation ng face-to-face classes sa ilang piling eskuwelahan sa low-risk areas.

 

Sa Cabinet meeting, ngayong gabi, Disyembre 14, 2020, inaprubahan ng Chief Executive ang presentasyon ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng pilot implementation o dry run ng face-to-face classes sa piling  eskuwelahan sa mga lugar na  low COVID-risk para sa buong buwan ng Enero  2021.

 

Makikipag-ugnayan ang  DepEd sa  COVID-19 National Task Force (NTF) para sa pagmomonitor ng isasagawang pilot implementation.

 

“The pilot shall be done under strict health and safety measures, and where there is commitment for shared responsibility among DepEd, local government units and parents,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

Aniya, kailangang  bigyang-diin ng pamahalaan na ang face-to-face classes sa mga eskuwelahan na papayagan ang ganitong sistema ay hindi compulsory kundi  voluntary  sa panig ng mag-aaral at magulang.

 

“Having said  this, a parent’s permit needs to be submitted for the student to participate in face-to-face classes,” diing pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Sey ni SHAMCEY kay RABIYA: “You are already a winner no matter what”

    LAST Tuesday, May 11, nakarating na rin si Shamcey Supsup-Lee (3rd Runner-Up sa Miss Universe 2011), ang director ng Miss Universe Philippines organization para suportahan ang ating pambato sa 69th Miss Universe na si Rabiya Mateo.     Post ni Shamcey, “After 28 hours of travelling, 4 airports, countless security and health checkpoints, we are […]

  • Binata itinumba ng riding-in-tandem sa Malabon

    TUMIMBUWANG ang duguan at walang buhay na katawan ng 21-anyos na binata matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek habang ipinaparada ng maayos ang kanyang motorsiklo sa Malabon City.     Nakuhanan ng CCTV ang ginawang pamamaril ng suspek sa biktimang si alyas “Julius Kulot” residente ng Bagong Barrio, Caloocan City na namatay […]

  • Para kay PBBM “best way to drum up business”: Formula 1 racing

    PARA kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang “best way” para mag-drum up ng negosyo ay sa pamamagitan ng  Formula 1 racing.     Taliwas ito sa paniniwala ng iba ani Pangulong Marcos na ang “playing golf” ang “best way to drum up business.”     Ang pahayag na ito ng Pangulo na makikita sa kanyang […]