Pilipinas, hindi kulelat sa buong Asean region
- Published on May 17, 2021
- by @peoplesbalita
PINALAGAN ng Malakanyang ang paratang ng mga kritiko ng Duterte administration na kulelat ang Pilipinas pagdating sa dami ng mga nabigyan na ng Covid-19 vaccines.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kung pagbabasehan ang datos ukol sa bilang ng mga naturukan na ng bakuna kontra Covid-19 ay pumapangalawa na aniya ang bansa sa Asean region.
Bukod dito, hindi naman nakikipag-unahan o nakikipagkompetensya ang Pilipinas sa ibang mga bansa sa rehiyon subalit kailangan lamang aniya na sabihin ang totoong estado ng vaccination program para patunayan sa mga kritiko na mali ang kanilang mga paratang.
Sa kasalukuyan, inuuna aniyang pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno ang pagkakamit ng herd immunity sa NCR plus Bubble hanggang sa umabot na ito sa buong bansa.
Pero kahit sa Metro Manila at mga karatig lalawigan lamang muna aniya magkaroon ng herd immunity ay napakalaking bagay na nito dahil alam naman natin na lahat na ang bulto ng mga kaso ng COVID-19 ay nasa NCR plus areas.
Sa ulat, pumangalawa na ang Pilipinas sa ASEAN region sa usapin ng dami ng mga nabakunahan laban sa COVID-19.
Dahil dito, naungusan pa ng Pilipinas ang Singapore sa usapin ng vaccination rollout.
Matatandaan kasi noong nakaraang linggo, kung saan nasa ikatlong pwesto lamang ang Pilipinas, kasunod ang Singapore, habang nangunguna naman ang Indonesia.
Batay sa datos na iprinisenta Ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., lumalabas na nasa mahigit 2,409,235 na ang bilang ng mga Pilipinong nabakunahan kontra COVID-19.
Mula sa nabanggit na bilang, 451,270 dito ang nabakunahan na ng dalawang dose habang 1,957,965 naman ang naghihintay pa na mabakunahan ng ikalawang dose.
Samantala, ika-15 pwesto naman ang Pilipinas sa buong Asya, habang ika-apatnaput isa naman sa buong mundo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Sale and transfer ng mga tricycle, dapat bang ipatigil na?
MARAMING mga opisyal at drivers ng TODA ang sumangguni sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa diumano ay mga katiwalian sa ‘sale and transfer’ ng prangkisa ng tricycles. Nariyan ang doble o higit pang presyo ng pagbebenta ng prangkisa. Sobrang mahal ang pagbenta samantalang sari-sari ang problema. Ganito rin malimit ang […]
-
Kahit naunahan na ng ibang kasabayang sexy stars: JELA, naghihintay lang ng tamang project na babagay
SABI ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee dumami raw ang mga imbitasyon sa kanya para maging commencement speaker since he was named National Artist. Mas marami rin ang nakakakilala sa kanya. Kaya lang hindi siya sanay sa ganitong situation kasi napopokus ang atensiyon sa kanya. Mas gusto […]
-
Team Philippines palaban sa 2023 SEAG
DAHIL hindi inaasahang lalaban ang host Cambodia para sa overall crown ay magiging labu-labo ang 32nd Southeast Asian Games sa Mayo ng 2023. Kumpiyansa si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na makikipag-agawan sa overall title ang mga Pinoy athletes. Ito ay makaraang tumapos sa fourth place ang Team […]