• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pilipinas, kwalipikado na para sa visa-free travel sa Canada

KWALIPIKADO  na ang Pilipinas para sa visa-free travel program ng Canada.

 

 

Ito ay matapos na ianunsyo ng Canada ang 13 mga bansa, kabilang ang Pilipinas sa mga napasama sa pagpapalawak pa nito ng kanilang visa-free travel program.

 

 

Ayon kay Canadian Minister for Immigration, Refugees and Citizenship Sean Fraser, ang naturang kautusan ay epektibong agad na ipapatupad.

 

 

Aniya, ang mga bisitang mayroong Canadian visa sa nakalipas na 10 taon o ang mga kasalukuyang mayroong hawak na valid United States non-immigrant visa ay pahihintulutan na ring bumisita sa pamamagitan ng pag a-apply para sa electronic travel authorization.

 

 

Ito aniya ay nangangahulugan lamang na mas marami pang mga indbidwal mula sa Pilipinas ang maaari nang magtungo at makabisita sa kanilang bansa nang walang nararanasang hirap sa pagsasa-ayos ng mga requirements para magkaroon ng visa.

 

 

Kaugnay nito ay naniniwala din ang Canadian official na ito ay makakatulong din upang mapalaki pa ang travel, tourism, at economic benefits, gayundin ang pagpapatibay pa sa samahan ng Pilipinas at Canada. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, ikakasa ang malawakang balasahan sa SRA sa gitna ng sugar import mess, ipinaubaya na sa Kongreso ang imbestigasyon

    MAGSASAGAWA si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  ng malawakang balasahan sa  Sugar Regulatory Administration (SRA) kasunod ng pagbibitiw sa tungkulin ng mga  key officials nito dahil sa kontrobersiyal na sugar import resolution.     Sinabi ni Pangulong Marcos, pinuno ng  Department of Agriculture, na ang nakaambang na  reorganisasyon sa ahensiya, may layong i-promote ang paglago ng […]

  • Suhestiyon sa mga gustong bumisita sa sementeryo sa Undas

    IKUKUNSIDERA ng pamahalaan ang lahat ng alternatibong opsyon para sa mga Pinoy na nagnanais na  makabisita at madalaw ang mga namayapa nilang mahal sa buhay sa All Soul’s Day  sa kabila pa rin ng banta  COVID-19 pandemic.   Ang suhestiyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque  ay 5-day time allowance para sa publiko  na makabisita sa […]

  • Sikat na online seller na si MADAM INUTZ, certified recording artist na; trending ang music video ng ‘Inutil’

    ISA na ngang ganap na recording artist ang social media sensation na si Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz dahil ini-release na ang kanyang debut single na “Inutil” na nilikha ni Ryan Soto.     Ang kilalang social media influencer, former Mr. Gay World titlist, businessman at philanthropist na si Wilbert Tolentino ang nagsilbing tulay at […]