Suhestiyon sa mga gustong bumisita sa sementeryo sa Undas
- Published on September 14, 2020
- by @peoplesbalita
IKUKUNSIDERA ng pamahalaan ang lahat ng alternatibong opsyon para sa mga Pinoy na nagnanais na makabisita at madalaw ang mga namayapa nilang mahal sa buhay sa All Soul’s Day sa kabila pa rin ng banta COVID-19 pandemic.
Ang suhestiyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay 5-day time allowance para sa publiko na makabisita sa sementeryo sa “Undas,” taunang tradisyon ng milyong mga filipino na binibisita ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay.
May ilan kasing lokal na pamahalaan kabilang na ang Maynila, Marikina City at Angeles City, ang nag-anunsyo ng temporary closures ng public at private cemetery sa kani-kanilang lokalidad sa darating na Oktubre 31hanggang Nobyembre 3.
“Titingnan po natin kung mayroong mga alternatibo dahil naniniwala naman po ako na importante sa mga Pilipino ang Undas,” ayon kay Sec. Roque.
Sinabi naman ni COVID-19 policy chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na irerekumenda niya ang pansamantalang pagsasara sa llahat ng sementeryo sa All Souls’ Day bilang precautionary measure laban sa pagkalat ng virus.
“Malaki po ang problema kung magkakaroon po ng uncontrolled crowding ‘yung ating cemeteries,” ayon kay Galvez.
Irerekumenda naman ng National Task Force against COVID-19 na pagbawalan ang publiko na magpunta sa mga sementeryo sa darating na Undas bunsod ng banta ng COVID-19 pandemic.
Sinabi naman ni deputy chief implementer of the national policy against COVID-19 and testing czar Vince Dizon na wala pang pinal na desisyon dahil tinatalakay pa ito ng mga concerned agencies.
Ayon kay Dizon, pinag-uusapan pa ang magiging guidelines kung isasarado ba ang sementeryo pagdating ng Undas.
Ginawa ni Dizon ang pahayag matapos na sabihin ni Manila City Mayor Isko Moreno na isasarado ang mga pampubliko at pribadong sementeryo mula October 31 hanggang November 3.
Sa ganitong paraan aniya ay mas maiiwasan ang coronavirus transmission.
Samantala, sinabi ni Dizon na nirerespeto at hinahangaan ng NTF ang desisyon ni Mayor Isko para sa siyudad ng Maynila.
Sinabi kasi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na pansamantala niyang isasara ang lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod sa darating na Undas.
Batay sa Executive Order No. 38, simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3 ay pansamantalang ipasasara ang mga sementeryo sa lungsod ng Maynila upang maiwasan ang paglago at pagkakahawaan ng COVID-19.
Nananatili namang ipinagbabawal pa rin ang mass gatherings sa lahat ng iba’t ibang lebel ng community quarantine dahil sa nagpapatuloy na banta ng COVID-19. (Daris Jose)
-
3 drug suspects nadakma sa buy bust sa Malabon, Valenzuela
KULUNGAN ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang 18-anyos na bebot matapos madamba sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela Cities, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief Col. Albet Barot ang naarestong mga suspek na sina Dan Patrick Lumagbas alyas […]
-
Rep. Velasco: ‘Tahimik lang akong nagtatrabaho bilang paggalang sa term-sharing agreement’
Nagsalita na rin si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa gitna ng patutsada ng kampo ni House Speaker Alan Peter Cayetano na siya ang nasa likod nang ouster plot laban sa liderato ng Kamara. Sa isang Facebook post, sinabi ni Velasco na sa simula pa lang nang mabuo ang gentleman’s agreement nila ni Cayetano […]
-
Tubig sa Angat ‘di sasadsad sa critical level -MWSS
HINDI sasadsad sa critical level ang antas ng tubig sa Angat dam sa Bulacan. Ito ang pampakalmang pahayag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa publiko kaugnay ng antas sa krisis sa tubig. Sinabi ni Engineer Patrick Dizon, Division Manager ng MWSS na batay sa pag-aaral na ginawa ng Inter-Agency […]