• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pilipinas magpapadala ng 814 atleta para sa 32nd SEA Games sa Cambodia

AABOT sa 814 na atleta ang ipapadala ng bansa para sa pagsabak sa 32nd Southeast Asian Games sa susunod na taon sa Cambodia.

 

 

Ito ang napagpasyahan sa dalawang consultative meeting ng national sports associations.

 

 

Mayroong 49 sports ang lalaro sa Cambodia na magsisimula mula Mayo 5 hanggang Mayo 15.

 

 

Target kasi ng Philippine Olympic Committee na salihan ang lahat ng kompetisyon kung saan nakalaan dito ang 608 na medalya.

 

 

Sinabi ni POC President Abraham Bambol Tolentino na layon nilang magpadala ng full contingent sa nasabing torneo.

 

 

Noong nakaraang mga linggo kasi ay nakapulong na niya ang mga representante ng mga combat sports at ibang sports organizations.

 

 

Magugunitang noong Vietnam SEA Games na ginanap nitong Mayo ay nagpdala ang bansa ng 656 na atleta habang noong 2019 SEA Games na ginanap sa bansa ay mayroong halog 1,000 atleta ang isinabak ng bansa.

Other News
  • 74.5K PDLs, pinalaya mula sa BJMP-run jails sa unang 10 buwan ng 2023

    MAY kabuuang  74,590 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula sa prison facilities na pinatatakbo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon.     Bahagi ito ng inisyatiba na paluwagin ang mga kulungan sa bansa.     Sa isa ng kalatas, sinabi ni  Department of the Interior […]

  • Well-funded troll campaign na suportado ng drug syndicates, POGOs para i-derail ang Quad Comm probe

    KINONDENA ng lead chair ng House Quad Committee ang lumilitaw na well-funded at nagkakaisang o orchestrated troll campaign na umano’y pinopondohan ng illegal drug syndicates at Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) para papanghinain ang ginagawa nitong imbestigasyon.     Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang naturang kampanya na naglalayong siraan ang […]

  • Motor banca na may sakay na 13 pasahero, tumaob sa Boracay

    TUMAOB ang isang motor banca sa bisinidad ng Puka Beach sa Barangay Yapak, Boracay Island noong Biyernes, Pebrero 28.   Rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station at Special Operations Unit-Aklan sa tumaob na “Fantastrip Noel” dakong alas-11:46 ng umaga.   Ayon sa PCG, habang umaangkla, sinalpok ng malalaking alon ang “Fantastrip […]