Pilipinas may sariling 3-on-3 basketball league na
- Published on July 31, 2020
- by @peoplesbalita
Mayroon ng sariling professional 3-on-3 basketball league ang Pilipinas.
Ito ay matapos na bigyan ng Games and Amusement Board ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 League sa bansa.
Ayon kay GAB Chairman Baham Mitra, na tinanggap nila ang interest ng Chooks-to-Go 3×3 na maging professional.
Pinasalamatan naman ni Chooks-to-Go league commissioner Eric Altamirano ang GAB dahil sa pinayagan nila ang kanilang sports organization.
Inilunsad ang nasabing liga noong nakaraang taon para makasali ang bansa sa Tokyo Olympics kung saan doon gagawin ang unang 3×3 event.
Pasok na rin ang Pilipinas sa Olympic Qualifying Tournament matapos na makakuha ng sapat na puntos para sa Vienna, Austria, sa susunod na taon.
Umaasa si Altamirano na magtagumpay ang Pilipinas sa 3×3 basketball pagdating sa Olympics.
Binubuo nina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Dylan Ababou, Karl Dehesa, Santi Santillan, Jaypee Belencion, Chris De Chavez, Ryan Monteclaro, Gab Banal, at Leo De Vera ang ilang manlalaro ng 3×3 basketball.
-
2 nadakma sa higit P1 milyon shabu at granada sa Navotas
MULING naka-iskor ng tagumpay ang Northern Police District (NPD) sa kanilang laban sa ilegal na droga kasunod ng pagkakatimbog sa dalawang drug pushers at pagkakakumpiska ng mahigit ng P1 milyon halaga ng shabu at granada sa buy-bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni NPD Director P/BGen. Ulysses Cruz ang […]
-
Worth it ang paghihintay ng limang taon: MARIAN, proud na nakagawa ng magandang serye na kayang panoorin ng mga anak
SIMULA sa unang araw ng Abril, mamarkahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang kanyang inaabangang pagbabalik sa GMA Prime. Sa ilalim ng pamumuno ng award-winning director na si Zig Dulay, ipinakita ng “My Guardian Alien” ang pinakahihintay na tandem at hindi maikakaila na chemistry nina Marian bilang Katherine at bankable leading man na […]
-
Kalahating milyong COVID-19 vaccines ng Sinovac dumating sa NAIA
Lumapag na sa Pilipinas ang panibagong batch ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) galing sa bansang Tsina. Ang 500,000 doses ng CoronaVac, na gawa ng Chinese company na Sinovac, ay sinasabing dumating kahapon,Huwebes, 7:37 a.m. sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Isa si Health Secretary Francisco Duque III sa mga […]