• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PILIPINAS SA ASEAN, PANGATLO SA VACCINATION ROLL

PUMAPANGATLO ang Pilipinas sa ASEAN countries pagdating sa vaccination roll out ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Sa media forum ng DOH, sinabi Dr.Myrna  Cabotaje, head ng vaccine cluster ng ahensya na umabot na sa  1,456,793 ang nabakunahan  nang Sinovac at AstraZeneca.

 

 

Pangatlo ang Pilipinas sa Indonesia at Singapore .

 

 

Aniya may problema sa suplay pero may dumating naman kaya nakapagbakuna ng maraming indibidwal.

 

 

Sa nasabing bilang, nasa 1,264,811 na ang nabigyan ng bakuna sa unang dose habang 191,982 naman ang nakakumpleto sa pangalawang dose kung saan ito ang mga frontline health care workers .

 

 

Ayon kay Cabotaje, nasa 36% bakuna na ang naibigay sa mag health care workers habang 10%  naman sa senior citizens at 14% s amga indibidwal na may comorbidities.

 

 

Ito ay mula sa 3,155 vaccination sites na nagsagawa ng pagbabakuna.

 

 

Samantala, nasa 3,025,00 bakuna na ang naideliver sa buong bansa  at ngunit dahil sa limitadong suplay, ang COVID-19 prioritization framework ang ipinatutupad upang maprotektahan una ang mga nasa “risk” at “most vulnerable”.

 

 

Nagpapatuloy naman ang simultaneous vaccination sa mga priority group A1 o workers of frontline health services, A2 o Senior Citizens at A3 o mga persons with co-morbidity sa NCR plus bubble.

 

 

Sa ilang mga lugar, nagsimula na rin ang pagbabakuna sa A2 dahil sa surge ng mga kaso at dahil ang mahalagang bahagi ng A1 ay nabakunahan na. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • 400 traffic enforcers, itinalagang COVID-19 safety marshals ni Yorme

    “Alam ko ang sinasaway niyo lang ay driver, pero simula sa araw na ito, ang sasawayin niyo na ay taumbayan.”   Ito ang binitiwang salita ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa 400 traffic enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na itinalaga nitong COVID-19 safety marshals sa lungsod.   Hinarap ng alkalde ang […]

  • NAVOTAS, PSA SINIMULAN NA ANG PAGPAPATALA PARA SA NATIONAL ID

    SINIMULAN na nang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pakikipagtulungan sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagpapatala ng biometric ng Navoteños sa Philippine Identification System (PhilSys).     “The national ID will give them not just proof of their identity, but will make it easier for Navoteños to avail of all social services and government benefits […]

  • Turismo sa Tagaytay malakas pa rin sa kabila ng pag-aalboroto ng Taal Volcano

    NANANATILI RAW malakas ang turismo sa Tagaytay sa kabila nang pag-aalboroto ng Taal Volcano.     Sinabi ni Tagaytay City Public Information Officer Angie Batongbacal na hindi naman daw nabawasan ang mga turistang namamasyal sa Tagaytay sa kabila ng nagaganap na aktibidad ng bulkan.     Aniya, pareho lamang daw na malakas ang turismo bago […]