• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pilipinas target na maidepensa ng titulo sa SEA Games

PINANGUNAHAN ni Olympic pole-vaulter EJ Obiena na nagsilbing flag-bearer sa pormal na pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Kasama nito na pumarada si Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino at 30 miyembro ng Philippine contingent.

 

 

Mayroong kabuuang 495 na atleta ng bansa ang sasabak sa 39 sports event.

 

 

Tiwala si Tolentino na kayang idepensa ng Pilipinas ang kanilang titulo noong naging host ang bansa ng 2019 SEA Games.

 

 

Nakakuha kasi noon ang bansa ng 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals.

 

 

Noong 2005 din ay naging overall champion ang Pilipinas sa SEA Games.

 

 

Sa isinagawang opening ceremony ay naging makulay kung saan sinalubong ng fireworks ang mga manlalaro sa My Dinh National Stadium.

 

 

Magugunitang ipinagpaliban ang nasabing torneo noong nakaraang taon dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID-19.

Other News
  • Ads March 12, 2022

  • Bukod sa pagkikita ng pamilya Hidalgo sa action-serye: SHARON, sinabihan si COCO na gumawa ng special episode dahil bitin ang loveteam nila ni JULIA

    THIS week, dalawang magkasunod na malungkot na post ni Megastar Sharon Cuneta sa IG account niya, na kung saan humihingi siya ng prayers para sa malapit na kaibigan at pamangkin na parehong may malubhang sakit, dahil hindi na kakayanin ng puso niya kung may susunod na mawawala uli.   Kaya masaya naman ang pinost niya, […]

  • Pamamahagi ng fuel subsidy para sa mga PUV drivers, target hanggang March 25 – DOTr

    UMAPELA ang Department of Transportation (DOTr) ng pag-unawa sa ilang PUV (public utility vehicle) drivers na makakaranas ng delay sa matatanggap na fuel subsidy kasunod ng ilang serye nang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.     Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na hanggang Marso 25 nila target maibigay sa mga PUV drivers […]