Pilot implementation sa fare collection system, tatagal ng 9 hanggang 12 buwan – DOTR
- Published on September 10, 2022
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy John Batan na tatakbo sa loob ng siyam hanggang labing dalawang buwan ang pilot operation ng automated fare collection system.
Sinabi ni Batan na kung magiging matagumpay ang pilot implementation, tatanggap ang system ng mas maraming payment card bukod sa Land Bank of the Philippines cards at sasaklawin ang mas maraming public utility vehicle (PUV) units at ruta.
Nauna nang sinabi ni Batan na ang Automated Fare Collection System Euro-Mastercard-Visa Pilot Production Testing Project (AFCS EMV PPT) ay naglalayong magtatag ng cashless payment sa mga modernong PUV.
Ayon sa kanya, maaari pa ring magbayad ng cash ang mga pasahero kung wala silang payment card.
— Sa kasalukuyan, ang Land Bank prepaid at credit contactless card lamang ang tinatanggap sa 150 kalahok na PUVs sa bansa sa ilalim ng pilot run.
Kapag naibigay na ang mga kinakailangang regulasyon o patakaran, ang solusyon sa Land Bank AFCS ay maaari ding tanggapin at iproseso ang mga EMV contactless card na inisyu ng ibang mga lokal na bangko.
-
Aminadong na-trauma nang gupitan: Makeover noon ni KRIS, biglang nag-viral sa social media
BIGLANG nag-viral sa social media ang makeover ni Kris Bernal noong maging finalists siya sa StarStruck: The Next Level noong 2006. Sa throwback video na ipinost ng GMA Network sa Instagram, naiyak si Kris nang gupitan ng maigsi ang mahabang buhok niya at nilagyan ng layers. Kasama kasi ang makeover sa challenges […]
-
Cartographic sketch ng killer ng radio anchor inilabas ng PNP
INILABAS na ng Philippine National Police (PNP) ang cartographic sketch ng isa sa mga salarin na responsable sa pamamaril at pagkakapatay sa radio anchor na si Juan Jumalon alyas “Johnny Walker” sa Calamba, Misamis Occidental kamakalawa. Sa press briefing sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, sinabi ni PNP Chief P/Gen. Benjamin Acorda […]
-
McCullough ramdam na may sumabote sa kanya
MAY pinatatamaan ang beterano ng National Basketball Association (NBA) player na si Chris McCullough sa tweet tungkol sa naturalization niya nito lang isang araw. Ipinahayag ng 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup import ng champion San Miguel Beer, na may umipit sa proseso ng kanyang pagiging naturalized player para sa Gilas Pilipinas. […]