• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinabo-boycott ang kanyang upcoming concert: JED, na-bash nang husto kaya binura ang pinost sa X

ISANG malaking isyu sa X ang ginawang pag-delete ng singer na si Jed Madela ng kanyang ipino-post na poster para sa concert niya.

 

Usap-usapan sa X ang pagbura raw ni Kapamilya singer “Welcome to my World” sa Music Museum, sa darating na Hulyo 5, 2024.

 

Ang dahilan marahil ay ang ginawang sunod sunod na negatibong komento mula sa mga netizens na i-boycott ang kaniyang concert . At ang dahilan daw ng mga Ito ay ang pagiging tagasuporta ng Kapamilya singer sa dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Banggit pa ng mga netizen na matindi raw kasi ang ginawang pagsuporta ni Jed hanggang sa ngayon sa dating pangulo. Baka raw nakalimutan ni Jed na ang dating pangulo ang siyang dahilan daw kung bakit walang prangkisa ngayon ang ABS-CBN, kung saan nagtatrabaho ang singer, huh!

 

Burado na ang X post ni Jed pero marami sa mga kasamahan niya ang May screenshot nito kung Kaya naging isyu at pinagpipiyestahan ang nabanggit na poster post sa social media platform.
Sa isa pang X post si Jed na parang kasagutan niya sa mga bashers

 

“One line that resonated to me… ‘Ignore the noise… keep achieving.’ Have a great day!,” post ka ni Jed.

 

Pero lalong hindi tinantanan ng mga netizen si Jed sa comment section nito.

 

“boycott his shows, resonate the message”

 

“One line that resonated you – Enabler kang kamote ka! Dutae pa more!”

 

“Bat po kayo nag delete nung concert promo poster?”

 

“Ignore the noise pero dinelete ang post. Tama na accla!”

 

“Ayaw mo na mag promote ng show mo?”

 

“Boycott”

 

Mga sunod sunod na post ng mga netizens para kay Jed.

 

Pero mukhang Hindi na pinatulsn ni Jed ang mga huling sunod sunod na post ng mga detractors niya.

 

Tahimik na at wala na ulit post si Jed sa mga bash na natatanggap niya, huh!

 

***

 

KUNG ilang beses na naming napanood na akala namin totoong iniindorso ng King of talk Boy Abunda ang isang cryptocurrency scam.

 

Lately lang namin nalaman na biktima pala si Kuya Boy ng fake news tungkol sa cryptocurrency at ginagamit ang pangalan niya.

 

Kumakalat ang fake article sa social media kung saan ginagamit siya pati ang kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda para ang mga tao ay mag-invest sa cryptocurrency scam.

 

Ipinakita ni Kuya Boy sa Today’s Talk ang mga fake article na ginamit ang kanyang pangalan.

 

Isa roon ay sinabing diumano’y burado na ang interview ng TV host sa aktres na si Max Collins kung saan nagtalo sila on-air dahil hindi makapaniwala si Boy sa biglaang pag-asenso ng ex ni Pancho Magno dahil sa cryptocurrency.

 

Sa article ay pumayag daw si Boy na mag-invest sa cryptocurrency auto trading program o bitcoin dahil naniwala siya.

 

Lumabas pa raw sa isang website ang article at ginamit pa ang interface ng isang dyaryo.

 

Kaya agad na nilinaw ni Boy na hindi iyon totoo at fake. “This is a big lie,” sey nito.

 

Bukod pa roon ay kumakalat din ang fake news na pag-criticize niya sa beauty queen na si Michelle Dee na may lamang link na patungkol sa cryto website.

 

Marami pang kumakalat na fake interview niya pero lahat ng iyon ay fake

 

Naalarma siya dahil marami pa ang puwedeng maloko at mabiktima.

 

Inaalam na raw ng legal team ng GMA ang mga legal option na pwedeng gawin laban sa fake website na iyon.

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Badminton tournament sa Hong Kong muling kinansela sa ikatlong pagkakataon

    KINANSELA  ng Badminton World Federation (BWF) ang kanilang nalalapit na Hong Kong Open tournament dahil pa rin sa banta ng COVID-19.     Ang nasabing torneo na gaganapin sa Nobyembre ay siyang pangatlong pagkakataon na ito ay ang kinansela.     Ang Super 500 tournament ay gaganapin sa Kowloon mula Nobyembre 8-13.     Ayon […]

  • PBBM, gustong gamitin ang biofertilizers para pagaanin ang kalagayan ng mga magsasaka

    INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano ng kanyang  administrasyon na pagamitin na ang mga  magsasaka  ng biofertilzer para mabawasan o hindi na umasa pa ang mga ito sa mga mamahalin at imported na  petroleum-based fertilizers.     Sa isang  video message na ipinalabas ng  Presidential Communications Office (PCO), sinabi ng Pangulo na […]

  • KIM, walang regrets na magkontrabida dahil natikman na ring maging bida

    BIGLANG nagkaroon ng reunion ang Hashtag members sa naging bachelor’s party ni Nikko Natividad.   Ikakasal na kasi si Nikko sa fiancee niyang si Cielo Eusebio at naging daan ang kanyang stag party para muli niyang makasama sina Kid Yambao, Tom Doromal, Wilbert Ross, Jimboy Martin, Vitto Marquez at Zeus Collins.         Dahil bawal pa […]