• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinagbawalan din na ‘mmag-cellphone sa set: TESSIE, may sinitang young star na ‘di nagseseryoso

HININGAN namin ng reaksyon si Tessie Tomas na isa sa bida ng ’Senior Moments’ tungkol sa mga kabataang artista ngayon kumpara sa panahon nila noon.

 

“Napakabigat ng mga tanong na yan ha,” tumatawang sagot ng aktres sa amin, “siyempre ang nakikita ko ay napaka-gadget conscious nila, their attention is very limited.

 

“Therefore they have to be always told and guided na, ‘Huwag mo namang dalhin ang cellphone mo sa set’, ‘Mag-memorize ka naman’, Dibdibin mo naman’.”
May nasita na siyang nakababatang artista.

 

“Meron na, dun sa ‘Dirty Linen’ noon.

 

“Alam mo ang maganda nakikinig sila because they respect me and they know that… you know, I am who I am because of my discipline.

 

“Discipline, commitment, kailangan nila, focus, focus.”

 

Sa ‘Senior Moments’ na mula sa A&S Production ay kasama ni Tessie sina Nova Villa at Noel Trinidad.

 

Ang naturang pelikula ay mula sa panulat at direksyon ni Neil ‘Buboy’ Tan.

 

Nalalapit na ang eleksyon sa Mayo 2025, at tila record-breaking ang dami ng mga artista na magtatangkang pasukin ang mundo ng pulitika.

 

Ano ang pananaw niya sa maraming artistang nag-file ng kani-kanyang certificate of candidacy?

 

“Oo nga, dadahan-dahanin ko ng pagsasalita baka mamaya one day kumandidato din ako,” at muli siyang tumawa.

 

“Siguro lang isipin niyo, kayo po ba ay college graduate? “Kayo po ba ay may alam sa political science and right governance?

 

“Kung medyo masasagot mo yun at tingin mo qualified ka, okay, pero… at saka siguro huwag naman sa itaas ka kaagad.

 

“Councilor, mayor, congressman, governor, vice governor, huwag naman sa itaas agad magsimula, para hindi tayo mapulaan.”

 

Ano ang naramdaman niya sa mga nakita niyang kakandidato na mula sa showbiz?

 

“Merong… ano tawag dun, may deserving, merong hindi qualified, ayokong… kasi mga kaibigan ko sila.”

 

Siya ba ay sumunok na rin na maging public servant?

 

“Meron, merong talaga na as early as 1991 up to ‘94, kasagsagan ko sa TNT, talagang…”

 

Siya ang host ng talk show na Teysi Ng Tahanan sa ABS-CBN mula 1991 hanggang 1997.

 

Pagpapatuloy pa ni Tessie… “At saka ang pressure, governor of Western Samar, pero… kasi ayaw ng asawa ko, si Roger Pulin, ayaw na ayaw niya, ako rin naman wala, wala akong masyadong hilig, buti na lang.

 

“Meron akong lolo na naging mayor ng Samar, ako mas turned on ako… kasi 25 years na akong nagso-social work sa Mindanao, tumutulong ako sa isang NGO at hanggang ngayon tumutulong ako sa Samar Foundation, happy na ako dun.

 

“Tumutulong ako sa Samar Foundation at dun sa isang NGO noon sa Mindanao for Muslims.

 

“Di ba when you’re an NGO you’re neutral, at saka wala kang hidden agenda e, feel good.”

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Public consultation ukol sa panukalang Maharlika Wealth Fund Act

    MULING nagsagawa ang House Committee on Banks and Financial Intermediaries na pinamumunuan ni Manila Rep. Irwin Tieng ng konsultasyon para sa panukalang “Maharlika Wealth Fund Act” (MWFA).     Nakapaloob sa House Bill 6398 na maglaan ng pondo para sa anumang investments na gagawin ng mga Government Financial Institutions (GFIs), tulad ng Government Service Insurance […]

  • Babylove Barbon, Gen Eslapor nanalasa sa beach volleyball

    Lumapit ang tambalang reigning MVP Babylove Barbon at Gen Eslapor sa pangwalong sunod na titulo para sa University of Santo Tomas nang itumba sina Euri Eslapor at Alyssa Bertolano ng University of the Philippines, 21-16, 21-6, sa 85th University Athletic Association of the Philippines 2022 women’s beach volleyball tournament semifinals Linggo ng hapon sa Sands […]

  • Chopper deal sa Russia, matagal ng kanselado-PBBM

    WALANG  balak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na  itulak pa ang  $38-million military helicopter contract  sa  Russia  na kinansela ng nagdaang administrasyon.     Tinanong kasi si Pangulong Marcos kung may balak pa itong itulak ang  kasunduan kasunod ng panawagan mula kay  Ambassador Marat Pavlov  na dapat lamang na igalang ng gobyerno ng Pilipinas ang […]