• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinaghandaan talaga ang role sa ‘Iron Heart’: RICHARD, aminadong mas nahirapan ngayon na magpaganda ng katawan

GUSTO namin ang nakikita naming attitude ng Kapuso actor na si David Licauco sa ngayon na tila hindi pa siya lulong sa instant fame na meron siya.

 

 

Sabi nga ni David, “Hindi pa naman po,” na sinasabihan siyang superstar.

 

 

“Pwede rin naman po na dahil nagustuhan lang nilang talaga yung role ko sa Maria Clara at Ibarra.”

 

 

At hindi rin siya nagpapa-pressure na dapat ma-sustain niya ito since magtatapos na ang serye. Kumbaga, level headed pa rin siya at in check sa reality.

 

 

Pero ang sigurado at hindi maikakaila, sunod-sunod ang mga projects niya kaya siya talaga ang masasabing busiest Kapuso sa ngayon.

 

 

Plano ni David na humingi lang ng at least two weeks off bago siya magsimula ng next teleserye nila ni Barbie Forteza.

 

 

“Okay lang naman hangga’t may opportunity.”

 

 

Sa isang banda, among David many hats that he’s wearing now, including being a businessman, mukhang in-demand endorser na rin siya at dahil part pa rin siya ng Blue Water Day Spa along with other new faces, beauty queens – Tracy Perez, Gwendolyn Fourniol, Alison Black, Ashley Montenegro, Ingrid Santamaria and Beatriz Mclelland.

 

 

Bagay talaga kay David ang ini-endorse niya for years dahil sa kabisihan niya ngayon, meron na siyang go-to place for his relaxation.

 

 

Ang BlueWater Day Spa has branches in Banawe – Quezon City, Eton Square – Ortigas in Greenhills, San Juan and Estancia Mall in Pasig City. Soon to open at The Infinity Tower, BGC.

 

 

To know more about the BlueWater Day Spa, follow @bluewaterdayspaofficial at Instagram.

 

 

***

 

 

PINAGHANDAAN talaga ni Richard Gutierrez ang kanyang role sa “Iron Heart” ng ABS-CBN ngayon dahil sa ganda ng kanyang katawan pa lamang.

 

 

Pero sabi nga ni Richard, mas iba na raw talaga ngayon magpaganda ng katawan.

 

 

“Mas mahirap talaga ngayon kapag nagka-age ka na. Kumbaga, double, triple the effort pa. So, matagal kong pinaghandaan, matagal ang proseso bago ko na-achieve.

 

 

“Actually, I’m still working on it and feeling ko, ito pa lang ang starting point ko.”

 

 

At sa “Iron Heart”, lahat daw talaga ng action scenes niya ay siya talaga at hindi siya nagpapa-double. Aminado naman si Richard na action talaga ang gusto niyang gawin kahit noon pa.

 

 

“Matagal ko ng gustong gumawa ng action. Matagal akong hindi napanood ng nga audience natin sa action. Do’n ako nagsimula, that defines me,” sey niya.

 

 

Sila raw ni Jake Cuenca ay may mga time na nagkakasakitan din sila. Pero ayon kay Chard, okay lang daw.

 

 

“After 20 something years. Kasi, sa ‘Click’ kami nagsama. After ‘Click’, naghiwalay na kami. Hindi na kami nagkasama. Now, pareho na kaming nag-mature, pareho na kaming prepared. Parang sakto ang timing.

 

 

“At kapag nagkuwentuhan kami, non-stop.”

 

 

Natawa ito nang tanungin kung pati ang mga na-link sa kanila dati ay napag-uusapan nila.

 

 

Sa isang banda, isa si Richard sa creative rin ng “Iron Heart”. Kaya talagang passionate siya sa serye nila at natutuwa na second season na sila at ‘di-malayong may season 3 rin.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Sa gitna ng SCS territorial disputes, Pinas, committed sa kapayapaan -PBBM

    PATULOY na ipinapakita ng Pilipinas ang commitment nito sa kapayapaan sa kabila ng hindi pa rin nalulutas na  territorial disputes sa South China Sea (SCS).     Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya makatulog sa gabi dahil sa usaping ito.     “It (SCS issue) keeps you up at night, it keeps […]

  • Game 7 ng PBA Philippine Cup Finals tinunghayan ng 6.9 milyong viewers

    KABUUANG 6.9 milyong viewers ang tumunghay sa ‘winner-take-all’ Game Seven ng San Miguel at TNT Tropang Giga sa 2022 PBA Philippine Cup Finals noong Linggo.     Bukod pa ito sa 15,195 live audience na sumugod sa Smart Araneta Coli­seum para personal na saksihan ang 119-97 pagsibak ng Beermen sa Tropang Giga sa nasabing laro. […]

  • ‘Mass gathering’ sa dolomite beach ‘di pa dapat; pagbisita sa lugar i-regulate – DOH

    Itinuturing ng Department of Health (DOH) na mass gathering ang pagpunta ng maraming mga tao sa dolomite beach sa Manila Bay sa mga nakalipas na araw.     Kaya iginiit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dapat nang i-regulate ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng Department of Environment and Natural […]