• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PINAKAHIHINTAY NA 2ND TRANCHE SAP, NATANGGAP NA NG 3K NAVOTEÑOS

NATANGGAP na ng 3,003 Navoteño families ang kanilang pinakahihintay na second tranche emergency subsidy sa ilalim ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP).

 

 

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)–National Capital Region, sa koordinasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay sinimulan na ang pamamahagi ng P5,000 cash assistance bilang partial payout sa mga benepisyaryo.

 

 

Nasa 448 beneficiaries na ang mga pangalan ay kasama sa 51 mga liham na ipinadala ng Navotas sa DSWD-NCR, ay nakakuha na ng kanilang cash aid, Sabado. Ang natirang 2,555 ay matanggap ang kanilang second tranche sa October 11-18, 2021.

 

 

“Our constant follow-up and dogged perseverance have borne fruit at last! We are glad that beneficiary-families will now receive the cash assistance due to them. We will continue to coordinate with DSWD-NCR to address the appeals of other Navoteños who have yet to get their financial aid,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Ang Bayanihan to Heal As One Act 1 ay nag-expire noong 2020 kaya gumawa ng paraan ang DSWD na makakuha ng pondo para sa P8,000 second tranche sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

 

 

Sa ilalim ng AICS, maximum lamang na P5,000 ang maaaring ibigay sa anumang indibidwal na beneficiary habang ang natirang P3,000 ay ipamamahagi ng DSWD sa ibang oras.

 

 

Noong Setyembre, 668 na pamilyang Navoteño ang nakatanggap ng kanilang pinakahihintay P8,000 na emergency cash assistance. Bahagi rin sila sa mga ipinadalang liham ni Tiangco sa DSWD. (Richard Mesa)

Other News
  • PDU30, sinabihan ang mga filipino na huwag kumuha ng mahigit sa 2 doses ng COVID-19 vaccine

    SINABIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga Filipino na huwag kumuha ng mahigit sa dalawang doses ng COVID-19 vaccine.   Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang Talk to the People, Huwebes ng gabi sa kabila ng hindi pa ngde-desisyon ang Department of Health ukol sa booster shots laban sa COVID-19.   “Check out the vaccinations […]

  • MAYO 9, ARAW NG HALALAN, SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY

    OPISYAL nang idineklara ng Malakanyang na Special (Non-Working) Holiday sa buong bansa ang araw ng Lunes, May 9, araw ng National at Local Elections.     Nakasaad sa ipinalabas na Proclamation No. 1357 ng Malakanyang na kapuwa pirmado nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Executive Secretary Salvador Medialdea Jr. na may pangangailangan na ideklarang special […]

  • Step into the magical world of Coraline, now in stunning 3D! Catch the remastered 15th-anniversary edition of this stop-motion classic exclusively at Robinsons Movieworld from September 18 to 30

    Get ready to step back into a world of wonder and suspense as the timeless stop-motion masterpiece Coraline returns to the big screen! Exclusively available at Robinsons Movieworld from September 18 to 30, the 2009 classic has been remastered in 3D, giving fans an immersive cinematic experience like never before.       Originally released […]