Pinakahuling survey ng SWS, welcome sa Malakanyang
- Published on April 30, 2022
- by @peoplesbalita
WELCOME sa Malakanyang ang pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey na nagpapakita ng bahagyang pagbaba ng bilang ng mga unemployed o bilang ng mga walang trabaho sa bansa.
Batay kasi sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong December 12 hanggang 16, lumabas na ang adult joblessness rate sa bansa ay nasa 24.7 percent ng adult labor force o katumbas ng 11 milyong Pilipino.
Mas mababa ito sa 11.9 million unemployed noong ikatlong quarter ng 2021.
“This is a clear indication how effective our calibrated strategy of shifting to Alert Level System to further reopen the economy – where more businesses are operating and more Filipinos are able to go to work – while ramping our COVID-19 vaccination drive,” ayon kay Andanar.
“We are confident to see a further improvement as government has concrete plans to sustain our economic rebound,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, sinasabing pinakamalaki ang joblessness rate sa Metro Manila na nasa 34 percent, sinundan ng Balance Luzon 29 percent; Mindanao 18 percent at Visayas na may 17 percent.
Natukoy din sa survey na ang involuntary hunger — pagiging gutom at walang makain — sa pamilyang walang trabaho ay umakyat sa 22.4 percent mula sa 16.3 percent noong third quarter.
Ang SWS survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 adults na may error margins na ±2.6 percent. (Daris Jose)
-
PSC sumaklolo sa mga atletang biktima ng bagyo
Naghahanda na ang Philippine Sports Commission (PSC) upang i-release ang financial assistance sa mga miyembro ng national team na nasalanta ng sunod-sunod na bagyo. Nakipag-usap na ang PSC sa national sports associations (NSAs) upang malaman kung sino-sinong mga atleta ang naapektuhan ng nakaraang mga kalamidad. Ayon sa ulat, tumanggap ang ahensya ng mga ulat na […]
-
TESDA, hinikayat ng DSWD na iprayoridad ang 4Ps senior HS graduates
HINIKAYAT ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na iprayoridad ang 4Ps senior high graduates para sa skills training opportunities para makatulong na makapagtayo ng mas maliwanag na kinabukasan. Sa katunayan, nagpulong ang mga opisyal ng DSWD sa pangunguna ni Gatchalian […]
-
Pinay skater Margielyn Didal tinanghal bilang Women’s Asia Skater of the Year
Tinanghal bilang Women’s Asia Skater of the Year si Margielyn Didal. Tinalo ng 21-anyos na Tokyo Olympic hopefuls ang pitong iba kung saan naibulsa niya ang $1,500 na premyo. Kabilang din na nominado sa award ang isang Pinay skater na si Cindy Lou Serna. Nakuha rin ni Didal ang […]