Pinakamataas na daily tally ng COVID-19 sa PH sa loob ng halos isang buwan, naitala ng DOH
- Published on April 5, 2022
- by @peoplesbalita
NAKAPAGTALA ng nasa kabuuang 690 na mga karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa ang Department of Health (DOH).
Ito ang pinakamataas na daily tally sa mga kaso ng nasabing virus na naitala ng kagawaran mula noong Marso 7, kung saan 332 sa mga ito ang nagmula sa Metro Manila.
Bukod dito ay nakapagtala din ang ahensya ng dagdag na 19 na mga bagong nasawi ng dahil sa sakit na magdadala naman sa 59,343 na total number of deaths sa bansa.
Sa ngayon ay umakyat na sa 3,679,629 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan nasa 35,967 dito ay aktibo.
Samantala, una nang pinaalalahanan ng mga kinauukulan ang lahat na huwag pa rin makakapanti kahit na nakatanggap na ng kumpletong bakuna ang mga ito.
Pinayuhan din ang mga indibidwal na hindi pa nakatatanggap ng booster shot na magpabakuna bilang dagdag na proteksyon laban sa nasabing nakamamatay na virus.
Layunin naman ng pamahalaan ngayon na palakasin pa ang bakunahan nito sa iba’t ibang mga probinsya sa bansa upang makamit na ng mga ito na maisailalim sa Alert Level 1.
-
Private hospitals naghahanda na sa Omicron
Naghahanda na ngayon ang Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAP) sa posibleng pagtaas muli ng mga kaso ng COVID-19 na maaaring idulot ng Omicron variant. Sinabi ni Dr. Jose Rene De Grano, pangulo ng PHAP, na tinitiyak nila ngayon na may sapat na suplay ng oxygen at bakanteng higaan ngayong labis […]
-
Apektado ng inflation ang budget ng mga mahihirap kontra Covid-19
Nangangamba si House Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera na hihina ang panlaban kontra COVID-19 ng mga mahihirap dahil sa pagtaas ng mga presyo ng baboy, gulay at manok. Ipinaaalala rin ng mambabatas sa DOH at DSWD na kailangang tuparin ng pamahalaan ang pangako nitong pamamahagi ng libreng face masks […]
-
POGO probe tatapusin na ng Senado
UPANG hindi malihis ang imbestigasyon, iginiit ni Sen, JV Ejercito na tapusin na ang pagdinig na ng Committee on Women, Children, Family Relations at Gender Equality sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Sinabi ni Ejercito na iminungkahi niya kay Sen. Risa Hontiveros, chair ng komite na tapusin na ang pagdinig dahil nagiging talkshow […]