Pinakita ang latest photo na nagti-therapy: KRIS, sobrang sakit ang nararamdaman ‘pag sinusumpong
- Published on October 31, 2024
- by @peoplesbalita
NAGING usap-usapan ang pag-aresto ng mga pulis ng Pasig City sa dating Kapamilya aktor na si John Wayne Sace.
Si John Wayne ay ang itinurong suspek sa pamamaril daw ng kanyang kaibigang si Lynell Eugenio.
Si Lynell na 43-anyos, residente ng Barangay Sagad, Pasig City, ay binaril 7:30 ng gabi nitong Lunes, Oktubre 28.
Ayon sa mga lumabas na imbestigasyon ng kapulisan ay nagkaroon ng apat na tama ng bala mula sa kalibre 45.
Agad namang nahuli raw agad si John Wayne sa isang hotel malapit sa Pasig.
Na-recover umano mula sa dating aktor ang baril na posible umanong ginamit sa pagpatay sa kaibigan.
Lumabas sa ginawang interview sa dating aktor na matagal na raw may alitan ang dating aktor at ang biktima, huh!
Lumabas din naman sa Facebook page ni John Wayne na may kaalitan ito.
***
UNAWARE pa rin ang publiko sa totoong kalagayan ngayon ni Kris Aquino.
Kumbaga hindi lang nila nakikita, pero ang sabi hirap na hirap daw si Kris sa kanyang mga karamdaman.
Banggit pa ng source namin kapag sumumpong daw ay sobrang sakit daw ang naramdaman ng aktres.
Sa pinakabagong larawan na inilabas ni Bosing Dindo Balares, na isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Kris, makikita na parang lumalakas na ang TV host-actress.
Sabi raw ni Kris sa kanyang kaibigan at confidante, “Ganyan kapayat my legs. That’s why i need physical therapy. And I’m 87 pounds, Kuya Dindo.”
(JIMI C. ESCALA)
-
800K beneficiaries, aalisin ng DSWD sa 4Ps
SA HALIP na 1.3 milyon, aabot na lamang sa 800,000 ang mga benepisyaryo na aalisin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan. Ayon kay DSWD officer-in-charge Undersecretary Edu Punay, ang orihinal na 1.3 milyong benepisyaryo ay isinailalim nila muli sa rebalidasyon dahil ang naturang numero […]
-
‘Bakuna Eskwela’ inilarga na ng DOH, DepEd
Inilunsad na ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) kahapon ang programang ‘Bakuna Eskwela’ upang protektahan ang mga batang mag-aaral laban sa tigdas, rubella, tetanus, diphtheria (MR, Td), at human papillomavirus (HPV). Target ng proyekto na mabakunahan ang hindi bababa sa 3.8 milyong mag-aaral sa pampublikong paaralan na naka-enrol sa […]
-
VP Sara, itinalagang OIC habang nasa state visit si PBBM
ITINALAGA si Vice-President Sara Duterte bilang Officer-In-Charge (OIC) habang wala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa kanyang state visit sa mga bansang Indonesia at Singapore mula Setyembre 4 hanggang 7, 2022. Sa ipinalabas na Special Order No. 75, nakasaad dito na upang matiyak na magpapatuloy ang government service, kailangan na magtalaga ng […]