• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinalalagay na para ito sa hosts ng ‘It’s Showtime’: Pagpapatutsada ni JANUS sa kanyang IG post, maraming naangasan

MAY mga naantipatikuhan at naglabas ng galit sa post ni Janus Del Prado sa kanyang Instagram account.

 

Napakasarkastiko raw kasi ang ginawang pagtanong ng aktor sa mga tumitira at bumabanat sa mga naglilipatang artista noon sa ibang network.

 

“‘Yung mga bumatikos sa mga lumipat dati, naglipatan na din ngayon lol. Kala ko ba hindi loyal ang mga lumilipat? #hypocrites,” ani pa ng IG post ni Janus.

 

Sobrang angas daw ni Janus sa ginawa niyang pagpapatutsada sa mga kasamahan niya sa industriya.

 

Although, wala namang binanggit na pangalan ang actor na marami ang nagpapalagay na para ito sa ilang hosts ng “It’s Showtime.”

 

Ito’y matapos ngang umere ang nasabing Kapamilya noontime sa GMA-7 simula noong Sabado, April 6.

 

“Meaning lang po lods, baka hindi kaya ng mga current GMA artist na buhayin ang noon time ng GMA kaya need help sa ABS CBN artists. Kaya kinuha na lang buong Showtime total wala naman sila channel to formally air their shows. Pero as far as I know wala pong lumipat. ABS-CBN artists padin sila. Need lang din ni GMA help nila so win win padin,” pagtatanggol pa ng isang netizen.

 

“APAKABOBO MO TALAGA KAYA HINDI UMABANTE CAREER MO EH.” Sey pa ng isa na naka all caps pa!

 

“OA naman ni @janusdelprado as if naman Big Star Talaga!! hahahaha.”

 

“Hindi naman sila hypocrites kasi wala namang lumipat? Since under ABSCBN management pa din naman sila? Naki ere lang sila sa GMA yun lanf”

 

“Idol kita lods. Pero dapat di na pinapalaki to. Kung lumipat lumipat wala naman na magagawa tsaka baka yun din ang tamang move para sa career nila.”

 

“Hndi naman po sila lumipat.. bkt ba kasi ayw ng gma gumawa ng sarili nilang noontime show? Eh marami silang artist na sa network nila? Hehe mas gusto nila kunin ang showtime?! Gma tlga may sarili namang mga artista gusto mga tga abscbn,” sunod sunod pang komento sa naturang post ni Janus.

 

Samantala, matapos makatikim ng pangnenega at pang-ookray mula sa netizens ay ini-edit ni Janus ang naturang post.

 

“At the end of the day lumipat pa din sila ng Station. Kinailangan pa rin nila yung tulong ng Station ng mga artista na binabash nila dati (lalo na yung mga lumipat) para magkaroon ng mas malaking platform. Lesson. Wag magsalita ng tapos. Bilog ang mundo.”

 

***

 

NAGING paborito namin ang kantang “Selos” ni Shaira.

 

When in fact sa lahat ng mga reels namin sa Facebook ay ang nasabing awitin ang madalas naming gamitin background audio.

 

Kaya isa kami sa nalungkot nang husto nang nagkaroon ng isyu si Shaira sa isang Australian singer na si Lenka dahil sa naturang waiting “Selos” ng una, huh!

 

Kaya pansamantalang naka-ban ang kanta at bawal gamitin.

 

Pero sa kalagitnaan ng isyu ay pinili na lang raw ng kampo ni Shaira ang manahimik dahil ayaw na nilang lumaki pa ang isyu.

 

But still sa pamamagitang kanyang Facebook account ay nilinaw ni Shaira na walang kaso raw na isinampa sa kanya sa kabila ng pagkakapareha ng melody ng “Selos” at ng awiting “Trouble Is A Friend”.

 

“Wala pong sinampang kaso laban sa amin. Sa katunayan naging mapayapa ang pag-uusap namin ng kampo ni Lenka at nauwi po ito sa pagkakasunduan hindi lang sa pamamaraan ng pagpapalabas ng kanta sa online streaming platforms,” Paliwanag pa ni Shaira.

 

Siyempre masaya rin namang ibinalita ni Shaira na muli nang magbabalik ang “Selos” sa streaming platforms.

 

“Malapit na po naming ibalik sa mga online streaming platforms ang kantang ‘Selos’ kasabay na rin po ng ibang kanta ng aming produksyon.

 

“Sana po ay maging masaya na lang po tayo dahil hindi lang naman po ito para sa akin, para rin po ito sa mga kapwa kong Bangsamoro artists at kapwa ko Pilipino,” pakiusap pa rin ni Shaira sa lahat.

 

Kaya sa ngayon ay mapapakinggan muli ang viral song na “Selos” ng Moro singer na si Shaira sa online streaming platforms.

 

Kaya wala na raw problema at kinumpirma na mismo ni Shaira. Nakapag-usap na sila ng kampo ng Australian singer na si Lenka matapos pumutok ang isyu na may pagkakaparehas ang kanyang kanta.

 

Sa pamamagitan nga ng apat na minuto ng paliwanag ni Shaira sa kanyang Facebook page kung saan tinalakay niya ang naging copyright issue ng kanyang viral song na “Selos”.

 

“At di ko alam bakit ba nagkakaganito,” ayon pa sa lyrics ng awitin.

 

Dagdag pa rin ni Shaira na malaki ang pasasalamat niya dahil sa pagmamahal ng mga tao sa kanyang awiting “Selos”.

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Number coding posibleng ibalik na – MMDA

    May posibilidad na maibalik na ang ‘number coding scheme’ ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) dahil sa pagsikip na ng trapiko sa halos lahat ng kalsada sa Metro Manila ngayong palapit na ang Pasko at pagsailalim ng rehiyon sa mas maluwag na Alert Level 2.     Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na pinag-aaralan […]

  • Garapal na online sellers ng face mask, alcohol tutugisin ng DTI

    TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) na hahabulin nila ang mga garapal at hindi lehitimong online sellers na nagbebenta ng face mask, alcohol, sanitizers at iba pa sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19).   Sa Laging Handa press briefing sa New Executive Building (NEB), Malakanyang ay sinabi DTI Secretary Ramon Lopez na hindi […]

  • Commemorative stamps ni Hidilyn Diaz at 3 pang Olympians, inilunsad na – PhilPost

    Pormal nang inilunsad ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) ang commemorative stamps bilang pagkilala sa mga Filipino champions na nakagawa ng kasaysayan sa katatapos lamang na 2020 Tokyo Olympics.     Tampok sa naturang stamps ang kauna-unahang atleta ng bansa na nakasungkit ng gold medal sa Olympics na si Hidilyn Diaz.     Kasama rin dito […]