• March 20, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isolation facilties ng Valenzuela, dinagdagan ng DPWH, IATF

LUBOS na nagpasalamat si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa  Department of Public Works and Highways (DPWH) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa pagpapatayo ng isa pang isolation facility lungsod.

 

Ani Gatchalian ang pasilidad na matatagpuan sa Arkong Bato ay magsisimula nang paganahin sa susunod na lingo.

 

Ang nasabing pasilidad ay madaragdag sa 1,000 kama para sa COVID-19 patients na pinagagana ng lungsod.

 

Ang unang isolation facility na nagawa na ng DPWH para sa Valenzuela ay may 40 kama.

 

Samantala, bilang karagdagang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19, ang Sangguniang Panlungsod ng Valenzuela ay nagpasa ng ordinansa na nagsusulong ng maingat na pagtatapon ng mga gamit na face mask at face shield.

 

Bago ang araw ng koleksyon ng basura, ang mga gamit na face mask at face shield ay dapat munang i-disinfect gamit ang chlorine-based solution.

 

Ang mga ito ay dapat itapon sa dilaw na garbage bag o sa kahit anong kulay na garbage bag na may nakasulat na “infectious waste” pagkatapos ma-disinfect.

May karampatang multa ang mga mapapatunayang lalabag sa nasabing ordinansa. (Richard Mesa)

Other News
  • DOH: Pareho ang protocol ng mga ospital para sa confirmed, probable/suspect COVID-19 cases

    NILINAW ng Department of Health (DOH) na pareho lang ang protocol na ipinatutupad sa mga probable at suspected COVID-19 cases, tulad ng ginagawa sa mga confirmed o positibong kaso ng sakit.   Pahayag ito ng kagawaran sa gitna ng mga ulat na may ilang pamilya raw ang kumwestyon sa responde ng mga doktor sa kanilang […]

  • Duterte, nanawagan sa United Nations

    Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte ng pantay na pag-access sa COVID-19 vaccine. Sa kanyang virtual speech sa United Nations General Assembly (UNGA), sinabi nito habang maraming bansa ang nagkukumahog na makagawa ng bakuna laban sa COVID-19 ay dapat maging available ito sa mga mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas. Dapat ring maikonsidera itong “global public […]

  • Movie nina Janine at JC, mukhang sa Abril na mapapanood sa mga sinehan; ‘Summer Metro Manila Film Festival’, nakabitin na naman

    DAHIL postponed na naman ang opening ng mga sinehan ay hindi muna itinuloy ang naka–iskedyul sanang press preview ng Dito at Doon, ang project ng TBA Productions na bida sina Janine Gutierrez at JC Santos.     May playdate na dapat ang movie pero dahil tumataas na naman ang bilang ng mga Covid-19 cases sa […]