• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinamana na sa kanila ang ‘Wow Mali: JOSE at WALLY, wish na ma-prank si JOEY kahit malaki itong challenge

ASAHAN na doble ang katatawanan, doble ang kalokohan, at doble ang kasiyahang hatid sa grand comeback ng longest-running at multi-awarded prank show ng bansa sa mas pinalakas na “Wow Mali: Doble Tama,” simula Agosto 26 at tuwing Sabado, 6:15PM sa TV5 at 7:00PM sa BuKo Channel.

 

 

 

Nakilala ang ‘Wow Mali’ bilang kauna-unahang prank show ng Pilipinas na kinagiliwan ng mga Pilipino simula nang umere ito noong 1996.

Naging instant hit ang mga kuwelang “candid camera” pranks ng programa, dagdag pa ang witty hosting ng original prank master na si Joey De Leon, kaya naman naging household term na ang “Wow Mali” sa mga Pinoy.

 

 

Ngayong Agosto, magbabalik ang legacy show na ito ng TV5 para muling maghatid ng kakulitan, kalokohan at katuwaan sa “Wow Mali: Doble Tama,” sa pangununa ng kilalang comic duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola bilang mga bagong prankmasters ng programa.

Inamin naman nina Jose at Wally na wish nilang ma-prank si Henyo Master Joey, at malaking challenge sa kanila kung maisasakatuparan nila ito.

Ikinuwento naman ni Jose na pandemic pa nang i-offer sa kanila ng APT Entertainment ang programa.

“Siyempre, oo agad kami. Kaya lang, sabi namin, kailangan, ‘alam ba ni Tito Joey ‘to?’. ‘Yun agad ang tanong namin bago namin tanggapin ‘to. Pero siyempre, tatanggapin namin, 20 years tumakbo ‘to. Kaya sabi namin, magpapasintabi lang.”

 

 

Dagdag pa ni Jose, “Umokey naman si Boss Joey at sinabi niya, ‘kung kayong dalawa ang gagawa, okey ako.’ Salamat, Boss Joey.”

 

 

Co-produced ng APT Entertainment at Cignal TV para sa TV5, ang “Wow Mali: Doble Tama” ay magbibigay ng times two na kasiyahan at sorpresa sa hatid nitong new-generation humor, nakakatawang segments, at kaabang-abang na parodies!

 

Huwag palampasin at “maki-CSL (Can’t Stop Laughing)” sa premiere ng “Wow Mali: Doble Tama,” ngayong Agosto 26, 6:15PM sa TV5 at 7:00PM naman sa BuKo Channel

 

 

Para sa mga behind-the-scenes, sneak peeks o nakakatawang clips at interactive content ng “Wow Mali: Doble Tama,” i-follow lamang ang social media pages ng TV5.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • 1.83M college students nabakunahan laban sa Covid-19- CHED

    TINATAYANG umabot na sa 1,839,846 college students ang nabakunahan laban sa Covid-19.   Sinabi ni Commission on Higher Education (CHED) Chair J. Prospero de Vera III na ang pigura ay katumbas ng 45.91% tertiary student population na umabot na sa 4,007,795 “as of November 25.”   “That is a significant increase because after the first […]

  • Resolusyong maglabas ng P10-K ayuda sa nasalanta ng bagyo lusot sa House committee

    Lusot na sa isang komite ng Kamara de Representantes ang resolusyong nais magpabilis sa pagbibigay ng libu-libong ayuda para sa mga nasalanta ng mga nakaraang sakuna.     Lunes nang iulat ng Gabriela Women’s Party na pasado na sa House committee on social services ang House Resolution 1402, bagay na nananawagang pabilisin ang P10,000 cash assistance […]

  • Transport group naguguluhan sa P9 fare discount

    NAGBIGAY ng pahayag ang isang transport group tungkol sa ipapatupad na fare discount ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan sinabi na hindi lahat ng fare discount ay ipapatupad sa lahat ng ruta.     Binatikos ni Manibela president Mar Valbuena ang memorandum na nilabas ng Department of Transportation (DOTr) matapos ipahayag […]