• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinarangalan din ang iba pang Asian actors: Direk NIJEL, back-to-back win sa international film festival sa Osaka, Japan

ANG award-winning International Filmmaker, Direk Nijel de Mesa (na mula Njel ay ginawa nang Nijel ang name niya) ay muling maipagmamalaki ng Pilipinas sa pagkapanalo ng sunud-sunod na mga parangal para sa “Best Director” at “Best Cinematographer” sa katatapos na Ima Wa Ima Asian International Film Festival sa Osaka, Japan.

 

 

Ito ay inorganisa ng Global Maharlika sa Kansai, Philippine Community Coordinating Council, Korean Residents Union sa Japan, at Kyomigaru Creative Collective Group. Ang seremonya ng awards noong Disyembre 1, 2024 sa malaking Sumiyoshi Main Hall ay nagtatampok ng mga Special Awards para sa mga Asian artists na nagtatrabaho sa pelikula, telebisyon, at maging sa new media.

 

 

Nanalo naman si Jane de Leon ng “Best Actress” sa Kategoryang Suspense-Thriller-Horror Full-length at si Kim Ji Soo mula sa South Korea ay nanalo ng “Outstanding International Actor in a cross-cultural series” para sa kanyang pagganap sa GMA’s “Abot Kamay na Pangarap”.

 

Hinirang rin ang pelikula ni Direk Nijel na “Coronaphobia” ng “Best Picture” sa Kategoryang Suspense-Thriller-Horror. Si Daiana Menezes (isa sa mga bida ng “Coronaphobia”) at Ms. Jan Christine Reyes ng NDMstudios ay sumama kay Direk Nijel sa pagtanggap ng parangal. “Talagang hindi ito inaasahan! Sobrang saya namin—halos parang nag-hang out lang—habang nagsu-shoot. Ito ay isang labor of friendship at pag-ibig. Sobrang saya namin at nagustuhan ninyo ang aming nagawa kahit pa limitado ang aming mga resources,” sabi ni Daiana Menezes na puno ng saya.

 

Ang pelikula ay tungkol sa apat na banyagang naipit sa Pilipinas noong panahon ng pandemya—na nagpasya na magnakaw mula sa katabing gusali at isang baliw na psycho Janitor na may Coronaphobia.

 

Umaasa ang marami na dahil sa kahanga-hangang panalong ito, ang mga manonood sa Pilipinas ay sa wakas, magkakaroon na nang pagkakataon na mapanood ang award-winning na suspenseful film na ito sa mga sinehan sa taong 2025!

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • ‘Halos kalahati’: Pamilyang Pinoy na naniniwalang mahirap sila sumirit sa 48% — SWS

    LALONG tumaas sa 48% ang bilang ng pamilyang Pinoy na nagsasabing sila’y naghihirap kahit nagbalik na ang halos lahat ng trabaho at establisyamento ngayong pandemya, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).     ‘Yan ang napag-alaman ng SWS sa kanilang face-to-face interviews sa 1,500 katao sa buong Pilipinas na siyang ikinasa noong […]

  • HEALTH WORKER, RIDER, NABANGGA, KRITIKAL

    KRITIKAL ang isang health care worker at rider nito matapos mabangga ng isang tractor head sa San Andres Bukid, Maynila.       Sa ulat ng Manila Traffic Enforcement Unit, kinilala ang magka-angkas na biktima na sina Francisco Curay Lacanilao, 50 at Virginia Sanchez Lacanilao, 54, health worker at taga  Sitio Butas Bagumbayan, Caloocan City. […]

  • Pagbisita ni US VP Kamala Harris sa bansa, lalong magpapatatag sa Phil-US relations – Speaker Romualdez

    NANINIWALA  si House Speaker Martin Romualdez na lalo pang lalakas ang relasyon ng Amerika at Pilipinas sa pagbisita sa bansa ni US Vice President Kamala Harris.     Ayon kay Speaker, patunay din ito sa matagal nang alyansa at pagkakaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos kabilang na ang commitment ng US sa pagdepensa sa Pilipinas. […]