Pinas bagsak sa global standard sa Science, Math
- Published on September 4, 2024
- by @peoplesbalita
NAPAG-IWANAN ang Pilipinas sa ‘global standards’ sa Science at Math dahil ‘flat zero’ ang DepEd sa pagbili at distribusyon ng Science at Math equipment packages sa mga estudyante at zero rin sa distribusyon ng TechVoc equipment packages.
Ayon sa 2023 audit report ng Commission on Audit (COA), nabigo ang DepEd na makamtan ang key targets nito partikular na sa hiring ng mga guro, pagtatayo ng mga klasrum, distribusyon ng learning tools at equipment, pagbili ng textbooks, school-based feeding program sa buong taon ng pamumuno ni Vice Pres. Sara Duterte sa ahensya.
Sinisi ng mga state auditors ang hindi tamang paggamit, paggasta, kuwestiyonableng paglilipat ng pondo, paglabag sa proseso ng procurement at kawalan ng kakayahan na pasunurin ang mga suppliers na sumunod sa espesipikasyon ng delivery targets.
Base sa COA report sa DepEd Performance Indicator, nasa 12,821 mga bagong klasrum lang ang naitayo o nasa 74% sa target na 16,557 sa ilalim ng Basic Education Facilities Fund (BEFF).
Samantalang sa mga planong imprenta at delivery ng 8.7 milyong textbooks at instructional/learning materials para sa nakalipas na taon ay nasa 1.87 milyon lang ang naisakatuparan o 22%.
Sa procurement at distribusyon ng Information and Communication Technology (ICT) kabilang ang laptop para sa mga guro, smart TVs para sa mga klasrum, e-learning carts o ang ‘rolling libraries with laptops’ ay nasa 73,791 ang target pero aabot lamang sa 16,416, ayon pa sa COA.
Sa hiring ng mga guro, nagtakda ang DepEd ng 15,365 posisyon na dapat mapunan sa pagsisimula ng taon pero nasa 11,023 o 72% lamang ito.
Sa kabila ng sapat na pondo para sa School-Based Feeding Program (SBFP), dahil sa disorganisadong proseso ng procurement at pagkakaantala ng implementasyon ay nasa 5.33 milyong estudyante lamang ang nakinabang sa programa o 77% mula sa 6.94 milyong target. (Daris Jose)
-
Pinas, ipinaabot ang imbitasyon sa Japan na sumali sa Balikatan 2025
IPINAABOT ng Pilipinas ang imbitasyon nito sa Japan na magpartisipa sa Balikatan military exercises sa susunod na taon sa pagitan ng mga military ng Pilipinas at Estados Unidos. Sinabi ni Col Michael Logico, tagapagsalita para sa 2024 Balikatan Exercises, na nagpahayag ng interest ang Japan na sumali sa annual joint exercises mula pa […]
-
Fernando, nanguna sa paglaban kontra vote buying sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang paglulunsad ng multi-sectoral anti-vote buying campaign sa Lalawigan ng Bulacan ngayong araw upang makatulong sa pagsugpo ng pamimili ng boto at masiguro ang maayos, mapayapa, patas at inklusibong halalan sa darating na nasyunal at lokal na botohan sa Mayo 9, 2022. Tinawag […]
-
Pambato ng bansa sa table tennis hindi pa natatapos ang tsansa na makapasok sa Olympics
Nabigo ang pambato ng bansa sa larong table tennis na makakuha ng spot sa Olympic matapos na sila ay nabigo sa World Singles Qualification Tournament sa Doha, Qatar. Hindi na nakabangon pa si Rose Jean Fadol sa nakalaban nitong si Margaryta Pesotska ng Ukraine. Mayroong 11-4, 11-4, 11-3, 11-2 ang naitalang […]