• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas ‘biggest recipient’ ng bakuna – WHO

Ang Pilipinas umano ang pinakamalaking recipient ng bakuna buhat sa COVAX Facility dahil sa inaasahang pagtanggap ng kabuuang 4.5 milyon na AstraZeneca COVID-19 vaccines.

 

 

Sinabi ito ni World Health Organization (WHO) Country Representative Rabindra Abeyasinghe bago ang inaasahang pagdating sa bansa ng inisyal na shipment ng 487,000 doses ng AstraZeneca nitong Huwebes ng gabi sa kabila ng problemang kanilang kinaharap sa pagdeliber nito.

 

 

“We are happy to note that Philippines is receiving one of the largest consignment of COVAX vaccines. In this first initial consignment, [there’s] 487,000 doses,” ayon kay Abeyasinghe.

 

 

Inaasahan na maidedeliber ang kabuuang 4.58 mil­yong doses ng AstraZeneca vaccine mula Marso hanggang Mayo bukod pa sa tatanggapin na 117,000 doses naman ng Pfizer-BioNTech vaccines bago magtapos ang Marso.

 

 

Pinaalalahanan ng opisyal ang gobyerno ng Pilipinas na dapat matiyak ang paglalagakan at kapasidad sa pag-rollout ng mga bakuna sa oras na magsidatingan na ang mga malakihang stocks ng bakuna tulad ng nagawa nito sa inisyal na delivery ng Sinovac vaccines. (GENE ADSUARA)

Other News
  • 4 drug suspects timbog sa P210K shabu sa Valenzuela

    APAT na hinihinalang drug personalities ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang magkakahiwalay na anti-drug operation ng pulisya sa Valenzuela city.     Sa imbestigasyon ni PCpl Christopher Quiao, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni […]

  • 14-ANYOS NA MUSLIM, PATAY SA SUNTOK NG 13-ANYOS

    PATAY ang isang 14 anyos na binatilyo nang ma-knock-out sa kapwa menor de edad na Grade 7 sa Fraternal St. Quiapo, Maynila.   Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Sampaloc ang biktima na si Karim, di tunay na pangalan habang nasa kustodiya naman ng Barbosa Police Station  ang suspek na 13 anyos na […]

  • Japan, nagbigay ng PH grant para bumili ng vaccine cold chain equipment

    NAGBIGAY ang Japan sa Pilipinas ng 687-million-yen (P304.7-million) grant upang makabili ang Department of Health (DOH) ng mas maraming cold chain equipment para sa COVID-19 vaccines.     Nilagdaan ng Japan International Cooperation Agency (Jica) at ng Philippine government ang grant agreement sa ilalim ng programa ng Japanese government para sa COVID-19 crisis response emergency […]