Pinas, dapat na kumuha ng hudyat mula sa matapang na paninindigan ng Ukraine laban sa China- 2 presidential bets
- Published on March 1, 2022
- by @peoplesbalita
MAAARING matuto ang Pilipinas mula sa naging paninindigan ng Ukraine laban sa naging pag-atake ng Russia para idepensa ang teritoryo nito at soberenya laban sa China.
Ito ang magkaparehong posisyon ng dalawang presidential candidates sa idinaos na Presidential Debate ng CNN Philippines, araw ng LInggo.
Sa tanong kung ano ang kanilang gagawin kung halimbawa ay hindi gagana ang multilateralism approach sa West Philippine Sea (WPS), binigyang diin ni Vice President Leni Robredo ang pangangailangan para sa “credible defense” sa pamamagitan ng pagpapalakas sa Armed Forces of the Philippines.
“Iyong military, popondohan ang Armed Forces of the Philippines para magkaroon tayo ng credible defense. ‘Di man mapantayan ang lakas ng ibang bansa, may ilalaban katulad noong sa Ukraine,” ayon kay Robredo.
Sinabi naman ni dating National Security Adviser Norberto Gonzales na maliban sa armas para depensahan ang isang karapatan, kailangan ng bansa na maging bigilante ang mga Filipino laban sa mga mananalakay.
“Nakikita natin na nag-slow down bigla ang pasok ng Russia because of the tenacity …of the people of Ukraine to stand up and fight,” ayon kay Gonzales.
“Dito sa atin, iyan ang dapat nating inuuna bago tayo humanap ng tulong sa mga kapitbahay at ibang bansa. Palakasin muna natin ang character at quality ng ating sambayanan. Kaya I was advocating national mobilization,” dagdag na pahayag nito.
Sa kabilang dako, itinutulak naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagpapatuloy ng dayalogo sa China ukol sa nasabing sea dispute.
“Napakahirap ng sitwasyon kung saan madali tayo susuko. Maraming bagay kung pinagpursigihan lang natin. As long as we continue to insist on things legally, in a peaceful manner, and fair,” ayon kay Moreno.
Sinabi naman ni Robredo, sa Unang Araw niya sa pagka-pangulo kung palalarin ay palalakasin niya ang diplomatic relations sa mga foreign nations.
“Papalakasin natin iyong instrument of national power, meaning diplomacy, papalakasin ang pagkikipagugnayan sa ating mga allies na pareho ng paniniwala sa atin para may kakampi tayo just in case may aggression,” ayon kay Robredo.
“Dapat tayo ang manguna sa national consensus,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “The Philippines should also work toward being economically resilient “so that we are not caught up in predatory practices of foreign powers.” (Daris Jose)
-
COVID-19 curve flattening posible sa Setyembre – UP experts
Posibleng maabot na ang ‘flattening the curve’ sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa katapusan ng buwan o Setyembre, ayon sa research group mula University of the Philippines (UP). Sa reproduction rate ng COVID-19, bumaba ito sa 1.1 mula 1.5 makaraan ang mas mahigpit na quarantine sa Metro Manila at karatig probinsya, ayon kay […]
-
Sa mga taong ginawan siya ng mali: HEART, kahit naka-move on na ‘di pa rin ready magpatawad
HINDI napigilan ni Heart Evangelista na maging emotional sa kanyang latest unscripted, documentary-style “I Am Heart” vlog na kinunan noong 2023 sa photo shoot niya sa Indonesia at Singapore. Napag-usapan sa vlog ang pag-please ni Heart sa mga taong katrabaho niya. “I’m only human. Like, I’m really tired. When […]
-
Singapore Airlines magbabawas din ng mga empleyado
Magbabawas ng 4,300 na empleyado ang Singapore Airlines dahil sa epekto pa rin ng coronavirus. Ang nasabing bilang ay 20% workforce ng nasabing airline company. Apektado dito ang regional carrier nito na SilkAir at budget airline na Scoot. Sinabi ni Singapore Airlines’ chief executive Goh Choon Phong, na masakit sa loob nila […]