Pinas, dapat palakasin ang local medicine production-PBBM
- Published on March 31, 2023
- by @peoplesbalita
KUMBINSIDO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang ipinatupad na lockdowns bunsod ng COVID-19 pandemic ay dapat na nag-udyok sa Pilipinas para palakasin ang produksyon ng local medicines upang magkaroon ng sapat na stockpile sa panahon ng emergency.
“Let’s maximize the local production. The initial reason why this came up is the supply problems that we encountered during the lockdowns so we need to be prepared. We should be able to produce the local supply of essential medicines,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang pulong kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) healthcare sector group.
Inatasan ng Chief Executive ang Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) na makipagtulungan sa pribadong sektor para i- identify ang mga medisina na gagawin sa lokal.
“The Health department and FDA should also maximize the utilization of the capacity of local pharmaceutical manufacturers, particularly in the production of basic medications for poor Filipino patients such as anti-tuberculosis drugs,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Imo-monitor naman ng PSAC ang mga bagong teknolohiya sa healthcare na maaaring gamitin para sa geographically isolated at disadvantaged areas at irekumenda ang mga ito sa DOH at PhilHealth.
Pag-aaralan din nito ang feasibility ng page-establisa ng remote diagnostics centers at pag-assess ng bagong medical technologies at halaga nito.
Itinulak din ng advisory council ang patuloy na digitalisasyon ng information systems ng FDA hanggang sa kanilang target completion sa Agosto ngayong taon.
“Once digitalized, other systems such as new chemical entity renewal, certificate of listing of the identical drug product (CLIDP), and post-marketing surveillance will follow,” dagdag nito.
Samantala, kabilang naman sa mga dumalo sa PSAC meeting sina Sabin Aboitiz, Strategic convenor president at CEO ng Aboitiz Equity Ventures Inc.; Paolo Maximo Borromeo, Healthcare lead president at CEO ng Ayala Healthcare Holdings Inc; Fr. Nicanor Austriaco Jr., Healthcare Sector Member, at Filipino-American molecular biologist; Dr. Nicanor Montoya, Healthcare Sector Member at CEO ng Medicard Philippines, Inc.; DOH officer in charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, at Commission on Higher Education chairperson Prospero de Vera III. (Daris Jose)
-
LTFRB, nagbabala sa mga PUV driver na naniningil ng sobra sa sapat na pamasahe
NAGBABALA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng mga tsuper ng public utility vehicle hinggil sa overcharging sa pasahero ng ilan sa mga ito. Kasunod ito ng isang insidente kung saan siningil ng tripleng halaga ng normal na pamasahe ang K-pop boy band member na si Joshua Hong noong […]
-
$750M loan deal para sa COVID-19 response, nilagdaan ng Pilipinas at China-led AIIB
Lumagda sa isang kasunduan ang Pilipinas sa China-led Asian Infrastructure Bank (AIIB) para sa $750 million na loan para gamitin sa COVID-19 response ng pamahalaan. Pinagtibay ng $750-million loan accord na ito ang commitment ng AIIB na maging katuwang ng Asian Development Bank (ADB) sa pag-finance sa COVID-19 Active Response and Expenditures Support (CARES) […]
-
Pekeng bitamina, ibinebenta
NAGBABALA ang National Bureau of Investigation (NBI) sa publiko sa pagbili ng mga vitamins o ibang produkto na ibinibenta at kadalasan ay mababa ang presyo dahil maaaring mga peke. Ginawa ng NBI ang babala kasunod ng pagsalakay sa isang bahay sa Arayat ,Pampanga at gumagawa at nagbebenta ng pekeng bitamina ng mga bata ng […]