• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, dumistansiya sa hangarin ni US Pres. Trump na manatili pa ng 4 na taon sa puwesto

TANGING ang mga Amerikano lamang ang makapagdedesisyon kung mananatili pa ng panibagong apat na taon sa puwesto si US President Donald Trump.

 

Nauna na kasing nagbigay ng paborableng pananaw si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kanyang US counterpart.

 

“Pabayaan na po natin ang mga Amerikano mag-desisyon n’yan dahil sila naman po ang hahalal ng kanilang presidente,” ang pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque.

 

Si Trump ng conservative Re- publican Party ay nagbabalak na magkaroon ng panibagong termino sa November 3 election subalit sa survey ay sumusunod lamang siya kay dating |Vice President Joe Biden ng Democratic Party.

 

Noong nakaraang Pebrero, sinabi ni Pangulong Duterte na deserved ni Trump na muling mahalal dahil sa kanyang “circumspect and judicious reaction” sa naging desisyon ng Philippine government na i- terminate ang Visiting Forces Agreement, na siyang ginagamit para makita ang presensiya ng American troops sa Pilipinas para sa military exercises.

 

Samantala, kaagad namang nilinaw ng Malakanyang na hindi nito kinakampanya si Trump, kung saan ikinukunsiderang kaibigang lider ng Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • Pagpapatupad ng universal health care, isa sa “biggest projects” ni PBBM

    ISA sa “biggest projects” ng administrasyong Marcos ang ipatupad ang Universal Health Care Act.     Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang naging talumpati sa Koronadal City, South Cotabato, nang idaos ang paglulunsad ng Healthcare System and Referral Manual para sa lalawigan.     Ayon sa Pangulo, siya at ang bagong […]

  • Ads December 13, 2023

  • Miyembro ng “Rodriguez Drug Group”, 1 pa tiklo sa baril at P102K shabu sa Valenzuela

    SHOOT sa kulungan ang dalawang tulak umano ng illegal na droga, kabilang ang isang miyembro ng “Rodriguez Drug Group” matapos makuhanan ng baril at mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City.     Batay sa ulat ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria […]