Pinas, dumistansiya sa hangarin ni US Pres. Trump na manatili pa ng 4 na taon sa puwesto
- Published on October 31, 2020
- by @peoplesbalita
TANGING ang mga Amerikano lamang ang makapagdedesisyon kung mananatili pa ng panibagong apat na taon sa puwesto si US President Donald Trump.
Nauna na kasing nagbigay ng paborableng pananaw si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kanyang US counterpart.
“Pabayaan na po natin ang mga Amerikano mag-desisyon n’yan dahil sila naman po ang hahalal ng kanilang presidente,” ang pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque.
Si Trump ng conservative Re- publican Party ay nagbabalak na magkaroon ng panibagong termino sa November 3 election subalit sa survey ay sumusunod lamang siya kay dating |Vice President Joe Biden ng Democratic Party.
Noong nakaraang Pebrero, sinabi ni Pangulong Duterte na deserved ni Trump na muling mahalal dahil sa kanyang “circumspect and judicious reaction” sa naging desisyon ng Philippine government na i- terminate ang Visiting Forces Agreement, na siyang ginagamit para makita ang presensiya ng American troops sa Pilipinas para sa military exercises.
Samantala, kaagad namang nilinaw ng Malakanyang na hindi nito kinakampanya si Trump, kung saan ikinukunsiderang kaibigang lider ng Pilipinas. (Daris Jose)
-
Matteo, panalangin sa Diyos na makasundo pa rin ang pamilya ni Sarah
Tila aminado si Matteo Guidicelli na hindi pa maayos ang relasyon niya sa mga magulang ng asawang si Sarah Geronimo. Ito’y matapos ihayag ng 30-year-old Fil-Italian actor na ang pagiging kompleto sana ng pamilya ni Sarah sa kanilang naging pag-iisang dibdib ang katuparan sa mga pangarap nito. Pero ayon kay Matteo, naniniwala siya […]
-
Novak Djokovic nasungkit ang Semis spot ng Australian Open
Pasok na sa semifinal rounds ng Australian Open si Novak Djokovic. Ito ay matapos talunin si fifth seed Andrey Rublev sa score na 6-1 6-2 6-4. Ito na ang pang-44 beses ng Serbian tennis star na nakaabot sa semifinals ng Grand Slam tournaments. Labis ang kaniyang kasiyahan at hindi ito makapaniwala na […]
-
Philippine fencers paghahandaan ang Vietnam SEAG
Matinding preparasyon ang gagawin ng Philippine Fencing Association (PFA) para sa 31st Southeast Asian Games na iho-host ng Hanoi, Vietnam sa Nobyembre. Isiniwalat kahapon ni national fencing head coach Rolando ‘Amat’ Canlas sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online edition ang plano ng PFA na training sa Korea at Hong Kong. […]