‘Pinas, hindi isusuko ang West Philippine Sea
- Published on August 24, 2020
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na hindi nito isusuko ang kahit na nag-iisang pulgada ng teritoryo ng bansa kabilang na ang inaangkin nitong bahagi ng South China Sea.
Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay matapos akusahan ng China ang Pilipinas ng illegal provocations sa pinagtatalunang South China Sea.
Ani Sec. Roque, hindi isusuko ng Pilipinas ang West Philippine Sea.
“Consistent naman po ang ating Presidente , he will not give even an inch of our national territory or sovereign rights to any other state,” diing pahayag ni Sec. Roque.
Sa ulat, nagprotesta ang DFA sa ginawang pagkumpiska ng China sa aggregating devices ng mga Filipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc, o mas kilala bilang Scarborough Shoal.
Para sa Pilipinas,iligal ang ginawang pagkumpiska ng Chinese Coast Guard sa mga payao ng mga mangingisdang Filipino.
Sa kabila ng walang ideya ukol sa overflights sa pinagtatalunang karagatan ay sinabi ni Sec. Roque na ang mga Filipino, Vietnamese, at Chinese fishermen ay malayang makapangisda sa Scarborough Shoal.
“Diyan po sa Bajo de Masinloc malinaw po lahat tayo pupuwedeng mangisda… ‘yan naman po ay kinikilala ng lahat,” ayon kay Sec. Roque.
“Siguro po opinyon ng Tsina ‘yan … We maintain that it’s part of our sovereignty or our sovereign rights,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Aniya pa, ang kamakailan lamang na kaganapan sa South China Sea ay hindi naman makakaapekto sa relasyon ng Pilipinas at China.
“Hindi po magiging dahilan itong unresolved issue sa ating teritoryo bilang hadlang para isulong sa ating diplomatic bilateral relations with China, ‘yung mga bagay na pupuwede namang isulong, gaya ng kalakal at investments,” ayon kay Sec. Roque.
Nangyari ang insidente noong Mayo sa 124 nautical miles na nasasakupan ng Palawan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), na hindi sang-ayon ang Pilipinas sa patuloy na paglabas ng mga radio challenges ng China sa mga eroplano ng bansa na nagsasagawa lamang ng regular na pagpapatrolya.
Bagamat inaangkin ng Pilipinas ang shoal subalit naglabas ng kautusan ang arbitral tribunal sa The Hague, Netherlands noong 2016 na walang bansa ang dapat kumuha ng sovereign rights sa Scarborough dahil ito ay traditional fishing grounds para sa mga Filpino, Vietnamese at Chinese fishermen.
Hindi naman kinikilala ng China ang nasabing ruling at inaangkin ang shoal dahil umano nasa 472 nautical miles ito na malapit sa probinsiya ng Hainan. (Daris Jose)
-
Ads August 28, 2024
-
Ads February 25, 2025
-
‘Cash gift’ sa mga aabot ng 80-90 taong gulang lusot sa Senado
LUMALAKI ang tiyansang maambunan ng kwarta ang mas maraming senior citizens sa Pilipinas matapos makapasa sa ikatlo at huling pagdinig ang Senate Bill 2028. Lunes lang kasi nang makalusot ang naturang panukala, bagay na aamyenda sa “Centenarians Act of 2016” o Republic Act 10868. Kung tuluyang maisasabatas, makakukuha ng regalong P10,000 […]