Pinas, hinikayat ang US, China na ‘i-manage ang rivalry’ sa gitna ng umiigting na tensyon sa Taiwan
- Published on April 12, 2023
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ng Pilipinas ang Estados Unidos at China na “manage their strategic rivalry with dialogue” and “sincere engagement” sa gitna ng tumitinding tensyon sa Taiwan.
Sa naging talumpati ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa idinaos na Center for Strategic and International Studies (CSIS) forum sa Washington D.C., Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, sinabi nito na “the present and future relationship between the United States and China is a defining feature of this regional ecosystem.”
“As responsible powers, each with a stake in the region’s long term peace and security, Washington and Beijing need to manage their strategic rivalry with dialogue, transparent and sincere engagement where possible,” dagdag na wika nito.
Sa ulat, naglunsad ang Beijing ng military drills sa paligid ng Taiwan, isang araw matapos na bumalik si President Tsai Ing-wen mula sa kanyang 10-day visit sa Central America at Estados Unidos kung saan nakipagpulong siya kay US House Speaker Kevin McCarthy.
Makailang ulit namang nagbabala ang China ukol sa naging pulong ni Tsai kay McCarthy at nagbanta na gagawa ng “strong and resolute measures if it proceeded.”
Inilarawan naman ng Beijing ang military drills bilang “a serious warning against the Taiwan separatist forces’ collusion with external forces, and a necessary move to defend national sovereignty and territorial integrity.”
Sinabi ni Manalo na ang anumang uri ng pagpapataas sa tensyon o military conflict ay mayroong masamang epekto sa rehiyon, lalo na sa Pilipinas dahil sa “proximity” o lapit ng bansa.
At sa tanong kung ang bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa Pilipinas ay maituturing na “house equipment” na maaaring gamitin ng US kapag ang tensyon sa Taiwan ay tumindi, sinabi ni Manalo na “discussions are still underway.”
“It will all depend on how discussions go on the type of activities and the terms of references of those activities within any of those sites,” aniya pa rin.
Nauna nang nagbabala ang China hinggil sa posibleng panganib ng pinalawig na military cooperation sa regional peace and stability, “drag the Philippines into the abyss of geopolitical strife and damage its economic development.”
Samantala, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang EDCA sites ay hindi gagamitin para sa offensive operations. (Daris Jose)
-
TRO ng SC sa PhilHealth fund transfer, pinuri ni Bong Go
PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, ang pagpapalabas ng Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) na humahadlang sa paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth sa National Treasury. “This is one big win for the Filipino people! Sulit ang ating pangungulit!” ani Go sa pagsasabing ang mga […]
-
Ads January 5, 2022
-
Ads January 19, 2021