Pinas, in- update ang ‘Red, Green, Yellow’ list, Covid-19 protocols
- Published on October 19, 2021
- by @peoplesbalita
BINAGO at in-update ng Pilipinas ang roster ng “red, yellow, at green” countries/ jurisdictions at maging ang testing at quarantine protocols para sa pagdating ng mga pasahero.
Ang red, yellow at green list ay in-update sa nangyaring pulong ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Sa isang press statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang Romania ay ang tanging bansa na kasama sa red list.
Sa kabilang dako, mayroong 49 ‘states and jurisdictions’ sa green list.
Kabilang sa green list ang Algeria, American Samoa, Bhutan, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China (Mainland), Comoros, Republic of the Congo, Cook Islands, Eritrea, Falkland Islands (Malvinas), Gibraltar, Hong Kong (Special Administrative Region of China), Kiribati, Madagascar, Mali, Marshall Islands, Federated States of Micronesia, Montserrat, Nauru, New Zealand, Nicaragua, Niger, Niue, North Korea, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba (Special Municipality of the Kingdom of the Netherlands), Saint Helena, Saint Pierre and Miquelon, Samoa, Sierra Leone, Sint Eustatius, Solomon Islands, Sudan, Syria, Taiwan, Tajikistan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Uzbekistan, Vanuatu at Yemen.
Ang lahat ng iba pang bansa, nasasakupan, o teritorto ay nakalista sa ilalim ng yellow list.
Ang updated roster ay magiging epektibo mula Oktubre 16 hanggang 31. (Daris Jose)
-
Ex-President Estrada patuloy na inoobserbahan ang kalusugan
Patuloy pa ring inoobserbahan sa pagamutan si dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada dahil sa COVID-19. Ayon sa anak nitong si Jinggoy Estrada na inilagay sa high flow oxygen support ang dating pangulo at ito ay nasa Intensive Care Unito ng pagamutan. Nagpasalamat na lamang ang dating senador dahil hindi na kailangan […]
-
3 sugatan sa saksak at bala sa Malabon
Tatlong katao kabilang ang 16-anyos na binatilyo ang sugatan matapos ang magkahiwalay na insidente ng pananaksak at pamamaril sa Malabon city. Sa imbestigasyon, dakong 11:30 ng gabi, nasa loob ng computer shop ang biktimang itinago sa pangalang “Randy” at ang suspek na menor-de-edad din sa 8th St., Block 4 Lot 11, Brgy. Tanong nang […]
-
BIANCA, mas demanding ang role bilang isa sa ‘Legal Wives’ ni DENNIS kumpara sa ‘Sahaya’
MARAMI nang naghihintay kay Bianca Umali sa bago niyang GMA Telebabad family drama series na Legal Wives. Hinangaan ng mga televiewers noon ang pagganap ni Bianca ng isa ring family drama series na Sahaya na tungkol din sa kultura ng mga Muslim, si Sahaya sa gitna ng mga hirap na pinagdaanan niya ay […]