• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas inaasahan na ang 194k doses ng Moderna ngayong Marso

INAASAHAN ng Pilipinas na matatanggap na nito ang 194,000 doses ng Moderna’s COVID-19 vaccines sa buwan ng Mayo.

 

 

“It is expected to arrive, 194,000, most likely this coming May,” ayon kay , vaccine czar Carlito Galvez Jr.

 

 

Bahala na aniya ang National Immunization Technical Advisory Group kung anong priority group ang makatatanggap ng nasabing bakuna.

 

 

“The private sector agrees they will follow the WHO SAGE [World Health Organization-Strategic Advisory Group of Experts] and also the DOH [Department of Health], NITAG prioritization,” ang pahayag ni Galvez.

 

 

Ang pamahalaan at ang pribadong sektor ay nagsiguro na ng 20 million doses ng Moderna’s COVID-19 vaccines.

 

 

Sa ilalim ng kanilang tripartite agreement, ang Philippine government ay nagsiguro na ng 13 million doses ng Moderna vaccines habang ang private sector naman ay um- order na ng 7 milyong doses para sa kanilang mga manggagawa.

 

 

Samantala, sinabi naman ng Food and Drug Administration na ang Moderna ay nakatakdang magsumite ng kanilang aplikasyon para sa emergency use authorization para sa kanilang COVID-19 vaccine ngayong linggo. (Daris Jose)

Other News
  • PIOLO, KORINA, BILLY at CATRIONA, ilan lang sa magdadagdag kulay at saya

    TV5’s programming partner and major block timer, Cignal TV, ay nagdadagdag ng mga bago at pamilyar na mga talento para magdagdag kulay at saya sa current talent roster.   grama na ipapalabas ay ang mga bigating artista gaya nina Piolo Pascual, Korina Sanchez, Aga Muhlach, Ian Veneracion, Billy Crawford, Matteo Guidicelli, Maja Salvador, Sue Ramirez, […]

  • China umalma sa paglayag ng warship ng US sa WPS

    HINDI na naitaboy ng China ang barkong pandigma ng US na pumasok umano sa karagatang nasasakupan nila.     Ayon Southern Theatre Command ng People’s Liberation Army na iligal umanong naglayag ang USS Benfold sa Chinese territorial waters ng walang paalam.     Binalaan nila ang US na agad na itigil ang anumang hakbang na […]

  • Malakanyang, inaasahan ng ookrayin ng oposisyon ang SONA ni Pangulong Duterte

    INAASAHAN na ng Malakanyang na ookrayin ng oposisyon ang pang-anim at panghuling State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Sa ulat, tinawag kasi ng oposisyon na “Joke of the Nation Address” ang naging Ulat sa Bayan ng Pangulo kahapon sa Batasang Pambansa.   Para sa oposisyon, nabigo si Pangulong Duterte […]