PIOLO, KORINA, BILLY at CATRIONA, ilan lang sa magdadagdag kulay at saya
- Published on October 17, 2020
- by @peoplesbalita
TV5’s programming partner and major block timer, Cignal TV, ay nagdadagdag ng mga bago at pamilyar na mga talento para magdagdag kulay at saya sa current talent roster.
grama na ipapalabas ay ang mga bigating artista gaya nina Piolo Pascual, Korina Sanchez, Aga Muhlach, Ian Veneracion, Billy Crawford, Matteo Guidicelli, Maja Salvador, Sue Ramirez, Dimples Romana, Alex Gonzaga, at Catriona Gray.
“TV5 has something for everybody. We aim to deliver a fresh new perspective at how audiences enjoy the network’s entertainment, news and sports programs,” sabi ni Robert P. Galang, ang Cignal TV and TV5 President and CEO.
“The new program line-up does not only set the bar higher for innovativeness and produc- tion values but also reinforces TV5’s vision to become a formidable force in Philippine television as it continues to challenge traditional programming standards and reinvigorate the network’s adaptability to survive and thrive in this pandemic and beyond,” dagdag pa nito.
Isa sa mga pinakabagong block time partners, Brightlight Productions, na ipapalabas ang mga bagong shows sa TV5 simula ngayong Linggo, Oktubre 18.
Ang Presidente at CEO ng Brightlight Productions, former Rep. Albee Benitez, hinihimok ang mga network na magkaisa, shar- ing na “it’s time that all of us should work together. Right now, I don’t think there should be a network war.” Binanggit rin nya na ang mga artista ay dapat bigyan ng flexibility at dapat payagan na magtrabaho kung saan available.
“I think that should be our landscape moving forward,” dagdag pa niya.
Sa patuloy na pakikipagsosyo at pakikipagtulungan ng Cignal TV, sinisigurado ng TV5 na mas magiging bigger at better – BER months ang ihahatid sa manonood sa huling quarter ng taon.
Sa mga bagong programa at bagong stars na sasali, tiyak na marami dapat abangan. Ilan sa mga sikat at naglalakihang pangalan sa industriya ng entertainment ang nagbahagi ng kanilang pasasalamat na muling makapagtrabaho na siyang nagpapatunay na na ang buhay ay tunay na mas maliwanag kapag tayo ay nagkakaisa upang maisakatuparan ang isang misyon: upang magbigay ng pag-asa, excite- ment at inspirasyon sa mga Pilipino.
Sunud-sunod na magpa-pilot telecast ngayong Linggo ang Sunday Noontime Live, directed by Johnny Manahan.
Ang Sunday noontime musical variety show na mapapanood ng 12:00NN – 2:00PM ay iho-host nina Piolo Pascual at Miss Uni- verse 2018 Catriona Gray kasama sina Maja Salvador, Donny Pangilinan, at Jake Ejercito. Meron itong same day catch-up airing at 8:00PM sa Colours Channel 202 HD and Channel 60 SD on Cignal TV.
Ang I Got You, directed by Dan Villegas, na isang romance drama series ang susunod sa 2:00 – 3:00PM na kung saan bida ang young and versatile actors na sina Beauty Gonzales, Jane Oineza, at RK Bagatsing.
Patatawanin naman tuwing 3:00 – 4:00PM. ng Sunday Kada ang manonood sa comedy show na directed by Edgar Mortiz na kung saan featuring sina Jayson Gainza, Ritz Azul, Wacky Kiray, Miles Ocampo, Daniel Matsunaga, Jerome Ponce, Josh Colet, Sunshine Garcia, Jhen Maloles, at Badji Mortiz.
Sa Lunes, October 19, simula na ang newest noon-time variety na Lunch Out Loud na full of fun games and surprises, giving more chances of winning to viewers even at home. Naka-line- up sa LOL ang amazing comedi- ans and hosts na sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Wacky Kiray, K Brosas, Bayani Agbayani, KC Montero at Macoy Dubs; mapapanood ito ng Monday to Saturday, 12:00NN – 2:00PM.
Ang award-winning journalist naman na si Korina Sanchez- Roxas ay ibabalik ang kanyang sikat na news magazine show na Rated Korina.
“I feel blessed that I didn’t have to wait so long to get back on free TV. I have many friends on TV5 so it’s like having a family again. Tuloy ang Ligaya!” pahayag ni Korina.
Ang Rated Korina, a long-running news magazine and lifestyle show will feature remarkable stories from various walks of life, magpi-premiere ito sa October 24 (4:00 – 5:00PM) every Saturday.
Susunod dito ang wholesome family sitcom na Oh My Dad (5:00 – 6:00PM), starring Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, Louise Abuel and Adrian Lindayag, to be helmed by Director Jeffrey Jeturian.
Sa hangad ng Cignal TV to beef up TV5’s entertainment roster na nagbibigay sa madla ng mas marami at makabuluhang kadahilanan upang magkaisa, hindi lamang sila nakagawa ng kapanapanabik na mga programa, pero nagbigay din sila ng pagkakataon sa mga taong kabilang sa industriya: mula sa mga celebrities, producers, mga direktor, manunulat, cameramen, at tauhan na nagtatrabaho sa likod ng mga eksena. Ang pinaka-layunin ay pag-isahin ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng nangungunang entertainment na kanilang na maari nilang asahan.
Ang iba’t-ibang waves of entertainment programs na ginawa ng blocktimers kasama ang ating mga paboritong artista ay pinapatibay ang misyon ng network na magdala ng bigger at better -BER months sa pagtatapos ng taon.
Sa katunayan, isang bagong karanasan sa TV ang sasaliksikin, muling isusulat, at muling gagawin. Para sa isang bagong kabanata kung saan ang pagkamalikhain at pakikipagtulungan ay nangingibabaw sa pagitan ng mga talents, creatives at kung saan ang mga ideya ay walang limitasyon at walang network walls. (ROHN ROMULO)
-
Sinagot ang mga isyu sa exclusive interview: LIZA, harap-harapang inamin na nasaktan sa sinabi ni BOY
SIGURADONG tinutukan ng madlang pipol ang Friday edition ng ‘Fast Talk with Boy Abunda’ dahil sa exclusive interview ni Liza Soberano kay King of Talk Boy Abunda, na kung saan matapang ngang sinagot ng aktres ang mga isyung kinasasangkutan niya. Isa nga tinanong ni Kuya Boy kay Liza kung ano ang naramdaman niya sa […]
-
EJ Obiena excited ng maging flag bearer sa SEA Games
LUBOS ang kasabikan ni Filipino Pole Vaulter EJ Obiena sa pagiging flag bearer ng bansa sa pagsisimula ngayong araw ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Dumating ang 26-anyos na si Obiena isang araw bago ang formal opening ceremony na gaganapin sa My Dinh National Stadium. Napili kasi ang world […]
-
POC nagsumite na ng mga sports na sasalihan ng Pilipinas sa 2022 Asian Games
Maaga pa lamang ay inilabas na ng Philippine Olympic Committe (POC) ang bilang ng mga sports na sasalihan ng bansa sa 2022 Asian Games. Gaganapin ang nasabing torneyo sa Setyembre 10 hanggang 25 sa Hangzhou, China. Ilan sa mga dito ay ang aquatics, archery, athletics, baseball, softball, men’s basketball, men’s 3×3 […]