Pinas, isusulong ang negosasyon sa China ukol sa Malampaya gas fields—PBBM
- Published on May 8, 2023
- by @peoplesbalita
IPAGPAPATULOY ng Pilipinas ang pakikipag-usap sa China kaugnay sa inaangkin na Malampaya natural gas fields.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagay na ito sa pagtatapos ng kanyang five-day visit sa Washington, araw ng Biyernes, (Manila time).
Aniya pa, ang dalawaang bansa ay “slowly inching towards a resolution” hinggil sa pag-angkin sa Malampaya natural gas fields.
Binigyang diin nito na ang tanging paraan para lutasin ang ang usaping ito ay buksan ang communication lines.
“The only way to resolve the issues that are outstanding is to once again keep talking and to come to a consensus, to come to an agreement and to continue to negotiate,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang forum sa Center for Strategic and International Studies (CSIS).
“It is not an easy process but the Malampaya fields, natural gas fields that lie in our, within our baselines and within our exclusive economic zone and that again is being questioned in certain cases, in certain areas by China and we continue to negotiate with them,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.
“The President further said “we continue to find a way,’ and that the essential roadblock to that whole process has been very simple,” aniya pa rin.
Sinabi nito na inaangkin ng gobyerno ng Tsina ang partikular na lugar kung saan matatagpuan ang Malampaya fields subalit ang nasabing lugar ay bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas gaya na ginawang pagdetermina ng Permanent Court of Arbitration sa July 2016 ruling nito.
“The nine dash line covers just about the entire West Philippine Sea. We, on the other hand, have established our baselines which have been recognized and accredited by UNCLOS and therefore there is that conflict and so what happens now especially when it comes to exploration in — for energy — for our energy needs are which law will apply because we say this is part of Philippine territory and therefore Philippine law should apply,” ayon sa Pangulo.
“It may have to come down to a compromise that will just limit that application, the application of laws maybe to the vessels that are involved in this exploration and exploitation of whatever natural gas fields we can access,” aniya pa rin.
Aniya pa, ang resolusyon sa naturang usapin ay hindi magagawa ng “overnight” lang subalit nilinaw nito na isa lamang ito sa mga suhestiyon ng magkabilang partido na tinitingnan para lutasin ang nasabing usapin.
“There is no silver bullet where you say, we’ll do this and it’s done. As I said, we are inching slowly towards the resolution and that’s why we must be constant, we must be transparent and we must be accountable for all that we do. And I cannot see any other way to handle the problem other than that,” aniya pa rin.
Ang Malampaya gas field ay isang deepwater gas-condensate reservoir, matatagpuan sa 65 kilometrong hilagang kanluran ng isla ng Palawan. (Daris Jose)
Other News
-
1 compound sa Navotas, 2 linggong ni-lockdown
ISANG compound sa Lungsod ng Navotas ang isinailim sa dalawang linggong lockdown matapos magkaroon ng apat na residenteng nagpositibo sa COVID-19. Ayon kay Mayor Toby Tiangco, nagsimulang ipatupad ang lockdown sa compound sa Manalaysay St., Brgy. San Roque alas-8:01pm January 25, 2021 hanggang 11:59pm ng February 8, 2021. Layon nito mapigilan […]
-
Ads October 6, 2022
-
NADINE, handog ang virtual concert para sa elderly gay community at mga drag artists
MAGHAHANDOG ng virtual concert para sa elderly gay community si Nadine Lustre na may titulong Nadine, Together With Us. Para rin daw ito maka-raise ng funds para sa mga drag artists na nawalan ng trabaho noong magkaroon ng pandemya. The online show will be streamed via the official TaskUs PH Facebook page on […]