• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, kailangan na maging maingat sa kaso ni Mary Jane Veloso – Malakanyang

ISUSULONG ng gobyerno ng Pilipinas ang deliberasyon sa kaso ni Mary Jane Veloso, ang Filipino worker na nasa  death row  ng 12 taon sa Indonesia dahil sa kasong illegal na droga.

 

 

Tugon ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nang tanungin kung bibisitahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Veloso na nananatiling nakakulong sa Yogyakarta.

 

 

Dumating sin Pangulong Marcos sa Indonesia, araw ng Linggo para sa  three-day state visit  dahil na rin sa imbitasyon ni President Joko Widodo.

 

 

“For matters of this sensitive nature, the President will have to…We cannot say more than that. We cannot even guess as to why. Because it is of a such sensitive nature, then we proceed with deliberation, if we proceed at all,” ayon kay Cruz-Angeles sa press briefing sa Jakarta.

 

 

“I am not saying that we’re proceeding with anything. But the President is aware of the issue. Beyond that, we cannot discuss,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi ni Cruz-Angeles  na maaaring talakayin ang kaso ni Veloso sa pulong sa pagitan ng  Filipino at Indonesian officials  subalit hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye.

 

 

“We can’t say officially. It’s always an issue. Perhaps it will be broached by one or both countries. We’ll have to see. Well, since a pending issue, it may be inescapable. But we will announce if it is taken up,” ayon kay  Cruz-Angeles.

 

 

Tiniyak din nito na batid ni Pangulong Marcos ang apela na ginawa ng mga magulang ni  Veloso para sa negosasyon kay Widodo para sa “clemency” ng kanyang anak.

 

 

Araw ng Biyernes, bumiyahe ang ama ni Veloso, si tatay  mula sa kanilang lalawigan sa  Nueva Ecija  patungong  Department of Migrant Workers (DMW) sa Mandaluyong City para peersonal na dalhin ang kanyang letter of appeal na naka- addressed kay Pangulong Marcos.

 

 

“We have no information on whether or not it [the letter] has reached the President, but the President is aware of the issue,” ayon kay Cruz-Angeles.

 

 

Kumpiyansa naman si Cruz-Angeles na patuloy na isusulong ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo ang pagsisikap na mapalakas ang karapatan at proteksyon ng mga migrant workers.

 

 

“I have no doubt in my heart that he will do everything that is possible to discuss this case and also to look at other opportunities for collaboration in strengthening migrant workers’ rights and protection not only here in Indonesia but also in Singapore and throughout ASEAN,” dagdag na pahayag nito.  (Daris Jose)

Other News
  • “Magkaisa po tayo at huwag tumigil sa pagsisikap. Gawin natin ang nararapat isagawa upang pagyamanin ang mga pamanang naiwan ni Gat Marcelo H. del Pilar” – Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS – “Magkaisa po tayo at huwag tumigil sa pagsisikap. Gawin natin ang nararapat isagawa upang pagyamanin ang mga pamanang naiwan ni Gat Marcelo H. del Pilar upang magsilbi itong tanglaw at gabay ng mga susunod pang henerasyon.”     Ito ang tinuran ni Gob. Daniel R. Fernando sa mga dumalo sa Paggunita […]

  • Hidilyn ipinagmalaki ang buong team sa kaniyang tagumpay

    Labis ang pasasalamat ni Pinay weightlifting champion Hidilyn Diaz sa kaniyang kasamahan na naging susi sa tagumpay nito para makuha ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa Tokyo Olympics.     Kinibibilangan ito ng kaniyang coach na si Jeaneth Aro bilang nutritionist, sports psychologist Dr. Karen Trinidad; weightlifting coach Kaiwen Gao at strenght and conditioning […]

  • 60-anyos retirement age sa DepEd employees, isinulong

    PARA masuportahan ang pamahalaan sa plano na i-streamline ang burukrasya, isinusulong ni Sen. Chiz Escudero ang panukalang gawing mandatory ang ­pagreretiro ng mga kawani ng Department of Education (DepEd) sa edad na 60-anyos mula sa kasalukuyang 65 taong gulang.     Sa Senate Bill no. 58 o ang New Department Retirement Act na inihain ni […]