• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, kinondena ang ballistic missiles na inilunsad ng North Korea

NAKIISA  ang gobyerno ng PIlipinas sa mga member states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagkondena  sa ginawang paglulunsad ng  North Korea intercontinental ballistic missile patungo sa dagat ng Japan.

 

 

Ang pahayag na ito ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ay bago ang kanyang naging talumpati sa isinagawang pulong ng  Asia Zero Emission Community (AZEC) leaders sa Prime Minister’s Office sa Tokyo, Japan.

 

 

“We join Japan, together with the rest of the ASEAN, in condemning the continued threat that the launching [of] ballistic missiles by the DPRK [Democratic People’s Republic of Korea] represents,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Winika pa ng Pangulo na ang naging aksyon ng  North Korea ay magpapahina sa rehiyon at sa buong global community.

 

 

“As we speak on economic progress in our region, we found these aspirations on a peaceful and stable Indo-Pacific Region. So, such dangerous and provocative actions by the DPRK threaten and destabilize the region and the world,” aniya pa rin.

 

 

Napaulat na nagpaputok ang North Korea ng long-range ballistic missile, na umano’y nahulog sa karagatan sa kanluran ng Hokkaido, ayon sa coast guard ng Japan. (Daris Jose)

Other News
  • Priority bills ng administrasyong Marcos, nasa 23 na —PLLO chief

    TINATAYANG nasa 23 na ang priority bills ng administrasyong Marcos.     Matatandaang unang inilatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang listahan ng kanyang mga priority bills sa kanyang State of the Nation Address.     “As of today your honor, we have 23 (priority) measures,”   ayon kay Presidential Legislative Liaison Office Secretary Mark Llandro […]

  • Makaapekto kaya sa kanyang career?: MARICEL, idinawit ni Sen. BATO sa ipinagbabawal na gamot

    ABALA na sa paghahanda ang Lungsod ng Maynila para sa 50th Metro Manila Film Festival.   İsa sa natuwa siyempre ay ang aktor at kasalukuyang bise alkalde ng Maynila na si Yul Servo. Ayon kay VM Yul lahat naman daw ng mga kasamahan niyang namumuno ay masaya dahil naibalik daw sa Maynila ang naturang filmfest […]

  • Manila Bay Cleanup Compliance, nasungkit ng Navotas

    NAKATANGGAP ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng 94.2% na marka sa 2019 Assessment of Compliance of Local Government Units to Manila Bay Clean up, Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP).   Kasama ang Navotas sa top five na mga LGU na nagtaguyod ng Supreme Court mandamus na nag-uutos sa mga ahensya ng gobyerno na linisin, ayusin […]