• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, makawawala sa ₱13T nat’l debt sa pamamagitan ng eco growth

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na ang “guiding principle” para sa plano ng kanyang administrasyon para makawala mula sa ₱13-trillion national debt ay ang  economic growth. 
“We will pull ourselves out of debt via growth. That really is the guiding principle to the economic plan,” ayon sa Pangulo nang tanungin ukol sa kanyang plano para maibaba ang  national debt.
Base sa pinakahuling  data mula sa  Bureau of Treasury, ang  utang ng bansa ay nananatiling nasa “record high level,” tumaas ng 0.02% o ₱3.15 bilyong piso mula Oktubre hanggang Nobyembre.
Sinabi pa ng Pangulo na tututukan niya ang mga  investment pledges para makalikha ng mas maaming trabaho, na magt-translate sa patuloy na paglago na makahahaltak sa bansa mula sa utang.
Tinukoy ang  4.2% unemployment rate, sinasabi na ng  recession ay hindi na matatamaan kung ang rate ay magpapatuloy sa ‘downward trend.’
Ang paliwanag pa ng Pangulo, ang paglago ng ekonomiya ay hindi lamang sa investments kundi nangangahulugan ito ng naging maayos na kalidad ng hanapbuhay at iba pang dahilan.
“It’s not one simple thing. There is no silver bullet. We have to do very many things to make it right because what we are in fact doing is restructuring the entire Philippine economy to adjust to the new world global economy,” aniya pa rin.
Muli namang binanggit ng Pangulo ang pangangailangan ng pamahalaan na “i-digitalize” at “streamline” ang burukrasya para sa mas mabilis na pagproseso sa mga dokumento para sa mga mamamayan at  investors.
“The ease of doing business is because we’re talking about trade. So digitalization is going to be a very important part of that,” aniya pa rin.
Ayon sa Chief Execuive,  ang tanging entity na hindi maabot ng mga Filipino sa pamamagitan ng  internet ay ang pamahalaan, isa pang dahilan kaya’t itinutulak ng Pangulo ang digitalisasyon sa mga ahensiya.
“We have to digitalize Customs. We have to digitalize all of these collecting agencies so that the BIR, even the Central Bank, the payments can be made over the internet. All of those things that we don’t do now,” anito.
“Let’s digitalize the government. That will take us a long way to helping in the ease of doing business,” wika pa nito. (Daris Jose)
Other News
  • DEV PATEL IS “NOT ONLY A GIFTED ACTOR, BUT ALSO ONE HELL OF A MARTIAL ARTIST,” SAYS “MONKEY MAN” FIGHT COORDINATOR

    DEV Patel got into impeccable shape and trained rigorously for his passion project, the action thriller “Monkey Man,” which the Oscar® nominated actor (“Lion,” ”Slumdog Millionaire”) also wrote and stars in.       “Dev is one of the hardest working filmmakers I ever worked with,” says fight coordinator Brahim Chab (“The Foreigner”). “He would come to […]

  • Panibagong COVID-19 surge babala ng OCTA

    BINALAAN ng independent OCTA Research Group ang mga Pilipino na posible pa ring magkaroon muli ng panibagong COVID surge kung hindi na susunod ang lahat sa ipinatutupad na ‘minimum public health protocols’ ngayong nasa Alert Level 1 na ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.     Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido […]

  • Skyway Stage 3, toll free pa – TRB

    Libre pa ring magagamit ng mga motorista ang  Skyway Stage 3 hanggang hindi pa naisasapinal ng Toll Regulatory Board (TRB) ang panukalang toll rates dito.     Ayon kay TRB Spokesperson Julius Corpus, hangga’t hindi pa nagbibigay ng pormal na pag-apruba ang TRB sa ipinapanukalang toll rates sa Skyway Stage 3 ay hindi pa rin […]