• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, mananatiling ligtas na lugar para sa LGBTQ+ community-Sec. Roque

MANANATILING ligtas sa Lesbian, Gay, Bisexual, Transgendered and Questioning (LGBTQ+) community ang bansa sa kabila ng paggawad ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

 

” Naparusahan po si Pemberton at bagama’t nakaalis na po siya ng bansa, hindi po siya umalis bilang isang desirable alien,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

Sa katunayan aniya ay sapilitang  itinapon ng Pilipinas si Pemberton pabalik sa kanyang bansa, sa Estados Unidos.

 

” iyan po iyong ibig sabihin ng ‘deportation’. Sapilitan po iyan, hindi po siya voluntarily lumayas. Pinalayas po natin siya as an undesirable alien dahil siya po’y convicted killer,” anito.

 

Ang binura lamang aniya ng Pangulo kay Pemberton ay  ang balanse ng kaniyang pagkakakulong kung mayroon pa pero hindi aniya  nabura ang  katotohanan na convicted killer  si Pemberton.

 

“Kahit saan po siya makarating sa mundong ito, mayroon pa ring bansag sa kaniya – convicted killer, Pemberton,” diing pahayag ni Sec. Roque.

 

Si Pemberton ay nauna nang pinagkalooban ni Pangulong Duterte ng absolute pardon makaraang mahatulang guilty sa pagpatay kay Jennifer Laude noong 2014 sa Olongapo City. (Daris Jose)

Other News
  • Liquor ban inalis na sa Navotas

    Inalis na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang ipinatupad nitong liquor ban kaugnay ng magiging bilang ng mga kaso ng COVID-19 matapos ang Kapaskuhan.     Sa bisa ng City Ordinance No. 2021-07 na pinirmahan ni Mayor Toby Tiangco, pinawalang-bisa na ang pagbabawal sa pagbili o pagbenta ng alak o inuming nakalalasing sa lungsod simula […]

  • Ads February 11, 2023

  • Panahon na para sa “bolder, urgent action” para resolbahin ang paghihirap sa tubig – PDu30

    ITO na ang tamang panahon para sa “bolder vision” at “agarang aksyon” para resolbahin ang water-related issues sa Asia-Pacific region.     Binigyang halimbawa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga developing countries gaya ng Pilipinas na nahaharap sa mga pagsubok upang masiguro na ang universal access ng mga mamamayang Filipino ay “ligtas, affordable at […]