‘Pinas, mananatiling miyembro ng Gavi Covax VaccinE Alliance
- Published on September 19, 2020
- by @peoplesbalita
MANANATILING miyembro ng Gavi Covax VaccinE Alliance ang Pilipinas sa kabila ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi ito magbibigay ng cash advance sa mga western countries para lamang makasiguro ang bansa na makakukuha ng madidiskubreng Covid-19 vaccine.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ipinahihiwatig lamang daw ng naging pahayag na ito ng Pangulo ay kung bakit humihingi na ang mga western companies ng reservation fee gayong isinasailalim pa sa clinical trial ang mga dinidiskubreng Covid-19 vaccine.
Hindi aniya maunawaan ng Punong Ehekutibo kung bakit maagang humihingi ng bayad ang ilang Western countries gayung wala namang hinihinging ganito ang bansang China at Russia.
Sa katunayan pa nga aniya ay maaari pa ngang utangin ng Pilipinas sa Russia at China ang covid vaccine na maaring kunin sa kanila ng Philippine government. (Daris Jose)
-
Pagkilala sa mga pangunahing produkto ng Catanduanes, Davao City at San Jose, Batangas, aprubado
INAPRUBAHAN kahapon ng House Committee on Agriculture and Food na pinangunahan ni Vice Chairman at Negros Occidental Rep. Francisco Benitez ang House Bills 6149, 7460 at 7660 na maggagawad ng pagkilala sa mga mahahalagang produkto ng Catanduanes, Davao City at San Jose, Batangas. Ang HB 6149 na inihain ni TGP Party-list Rep. Jose Teves […]
-
Mga audience hindi muna papayagang manood sa mga laro ng PBA
WALA munang mga fans na papayagan ang Philippine Basketball Association (PBA) sa muling pagbabalik ng mga laro. Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial, na ito ang isa sa kanilang napagkasunduan sa ginawang pagpupulong ng board. Nais kasi ng PBA na maiwasan ang pagkakahawaan ng COVID-19 lalo na aniya at mataas pa […]
-
2 NAGKA-CARA Y CRUZ TIMBOG SA P10-K SHABU
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang lalaki nang maaktuhang nagka-cara y cruz at makuhanan pa ng higit sa P10,000 halag ng shabu sa Caloocan city. Kinilala ang mga suspek na si Ike Ruiz, 57, jeepney driver at Roger Albino, 41, truck helper, kapwa ng Saremborao St., Dagat-Dagatan, Brgy. 8 na kakasuhan ng paglabag […]