• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, masusing nakasubaybay sa US presidential race — Amb. Romualdez

MAHIGPIT na nakasubaybay ang Pilipinas sa US presidential para kagyat na makita ang anumang pagbabago sa liderato bilang oportunidad na baguhin ang pagpapalakas ng alyansa sa pagitan ng dalawang bansa.
Pinaigting naman ang security engagements sa pagitan ng defense treaty allies sa ilalim ni US President Joe Biden at sa counterpart nito na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama ang ibang lider na masigasig na kontrahin ang nakikita nitong agresibong aksyon ng Tsina sa South China Sea at kalapit na Taiwan.
Ang Pilipinas, dating US colony, ay itinuturing na closest ally ng Washington sa Southeast Asia at ang proximity nito sa Taiwan ay mahalaga sa pagsisikap ng Estados Unidos na kontrahin ang pananalakay ng Tsina sa democratic island na sa tingin nito ay kanilang sariling teritoryo.
“The only challenge that we face, especially for us in the embassy in Washington DC, is what happens in November. It’s a concern for every country who would be the next president … everybody is preparing for that,” ayon kay Ambassador Jose Manuel Romualdez.
Sinasabing maaaring harapin ni Biden si Donald Trump, Republican frontrunner para maging presidential candidate ng partido, sa isang rematch sa presidential election sa Nobyembre.
“Any change is always something that we welcome,” dagdag na pahayag ni Romualdez.
“It gives us an opportunity to renew what we’ve already been saying, that our relationship with the United States is an important one, we value it, and we really hope that this is the same feeling that they have for us,” aniya pa rin. (Daris Jose)
Other News
  • US Box Office Hit ‘Sound of Freedom’ and South Korean Dark-Comedy ‘Cobweb’ Set to Premiere in PH Cinemas

    TBA Studios is excited to announce its upcoming line-up of films for the rest of the year.     Among the highly anticipated titles are set to premiere in Philippine cinemas, the surprise US box office hit Sound of Freedom in September 20 and the Korean dark comedy Cobweb on October 4.   “We are […]

  • SWP tumubo lang na parang kabute

    ISYU pa rin sa kasalukuyan ang paglahong parang bula bago natapos ang 2018 ng national sports association (NSA) sa weightlifting o ang Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI)   At ang pagsulpot na parang kabute ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP).   May ilang araw, linggo at buwan ko na pong naulinigan ang isyu na sa […]

  • Sa MP2 savings program: Pag-IBIG members nakaipon ng P26 bilyon

    UMAABOT na sa halos P26 bilyon ang kabuuang naipon ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund sa ilalim ng Modified Pag-IBIG 2 (MP2) savings program na isang pananda na mas dumami pa ang mga pumapasok at sa programang ito sa kabila ng umiiral na pandemya.     Ang MP2 Savings program ay isang vo­luntary savings platform […]