• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas matutulad sa US, Europe sa rami ng COVID-19 cases

Posibleng matulad umano sa Europa at Estados Unidos ang bilang ng COVID-19 sa bansa dahil sa desisyon ng pamahalan na muling pagbubukas  ng mga sinehan at iba pang negosyo simula kahapon Pebrero 15.

 

 

Ayon kay Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri, nakakatakot ang  desisyon ng gobyerno na muling pagluluwag ng restriction sa bansa.

 

 

Paliwanag ni Zubiri, sana ay hindi muna 50% capacity dahil nakakatakot pa rin dahil sa banta pa rin ng coronavirus at iba pang variant nito.

 

 

Ang 50% capacity umano sa sinehan ay puno pa rin at kung may umubo doon, may humatsing ay napakadelikado na niyan at posibleng maging super spreader ang event na ’yan.

 

 

Idinagdag pa ng Senador na maging sa simbahan na mahilig mag “peace be with you” ang mga tao subalit hindi namamalayan ay “COVID be with you” na pala.

 

 

Kaya dahil dito kaya posible umanong magaya ang bansa sa Europa at Estados Unidos na pumalo ang bilang ng coronavirus dahil dito.

 

 

Para naman kay Sen. Grace Poe, dapat alamin muna ang mga ipapatupad na regulasyon sa mga establisimyentong magbubukas tulad ng may mga bagong filtration ng air conditioning para hindi recycled ang hangin na hinihinga ng mga tao doon.

 

 

Para kay Poe at Zubiri, bagama’t para sa pagba­ngon ng ekonomiya ang hakbang ng gobyerno subalit dapat una itong ipatupad sa mga lugar na kakaunti ang kaso ng sakit.

 

 

Dapat din umanong bilisan muna ang rollout ng bakuna bago aktuwal na mag-relax ng protocols. (Daris Jose)

Other News
  • Kalahati ng 11 milyong plate backlog tatapusin ng LTO sa loob ng 6 buwan

    TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na tapusin ang kalahati ng 11 milyong plate backlogs sa loob ng anim na buwan.     Ayon kay LTO  Assistant Secretary Teofilo Guadiz III  kabilang sa 11 milyong backlog ang mga plaka na dapat sana’y natapos na mula 2016.     “Ang timeline ko rito mga six months […]

  • ‘Napipintong food crisis,’ isang paalala para palaguin ang local agriculture

    PAGBUBUKAS ng ekonomiya sa investments at subsidies para mapalakas ang agrikultura ng bansa lalo na sa mga malalayong probinsiya ay hindi lamang makakatulong para mapabuti ang kalagayan sa mga nasabing lugar kundi makakatulong din para maiwasan ang posibilidad na kriris sa pagkain.     Reaksyon ito ni Dinagat Island Rep. Alan Ecleo kaugnay sa babala […]

  • Naalarma dahil sa 3-year old na follower: KIRAY, tinigil na ang pag-post sa TikTok ng sexy dancing videos

    TINIGIL na pala ni Kiray Celis ang pag-post ng mga TikTok videos kunsaan nagse-sexy dance siya.     Sey ni Kiray na gusto raw niyang maging responsableng tao at maging magandang role model sa mga kabataan ngayon, lalo na sa mga follower niya sa TikTok.     “Very careful kasi ako sa mga posts ko […]