• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas may silver na

TUMIYAK ng silver me­dal ang Philippine national beach handball team matapos magposte ng 3-1 record sa 31st Southeast Asian Games kahapon sa Tuan Chau Island sa Quang Ninh Province, Vietnam.

 

 

Muling tinalo ng mga Pinoy bets ang Thailand, 2-1, sa ikalawa nilang pagtutuos matapos kunin ang 2-0 panalo noong Biyernes.

 

 

Ang Thailand ang ku­muha ng silver medal no­ong 2019 Manila edition na pinagharian ng Vietnam habang bronze ang nakamit ng Pinas.

 

 

“Di man kami nakaboto, naipanalo po namin ang laban ngayong araw kontra Thailand,” sabi ni national coach Jana Franquelli. “Sigurado na po tayo sa Silver Medal. Para sa bansa natin ang panalong ito. Maraming salamat sa inyong suporta! Mabuhay ang Pilipinas!”

 

 

Kung kumbinsidong tatalunin ang 2019 SEA Games gold medalist na Vietnam (4-0) ngayong alas-6 ng gabi ay ganap nang masisikwat ng mga Pinoy ang gintong medalya.

 

 

Nauna nang yumukod ang Nationals sa mga Vietnamese, 0-2, noong Sabado.

 

 

Ang top three teams matapos ang double-round robin ang magiging mga podium finishers.

 

 

Ang mga miyembro ng national team ay sina Daryoush Zandi, Dhane Miguelle Varela, Josef Maximillan Valdez, Rey Joshua Tabuzo, John Michael Pasco, Jamael Pangandaman, Manuel Lasangue, Jr., Andrew Michael Harris, Mark Vincent Dubouzet at Van Jacob Baccay.

 

 

Biniktima rin ng tropa ang Singapore, 2-0, noong Linggo.

Other News
  • ICC, dadaan sa butas ng karayom bago mailantad ang katotohanan sa drug war sa bansa

    DADAAN SA BUTAS ng karayom at magiging mahirap para sa International Criminal Court na ilantad ang katotohanan sa drug war sa bansa.   Ito’y dahil na rin sa posisyon ng Philippine government na hindi makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC sa nasabing usapin.   Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na […]

  • Pinas, handa na ngayon para sa high-tech, high-impact investments

    HANDA na ngayon ang Pilipinas na maging “go to destination” ng high-tech at high-impact investments.   Ipinahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos pangunahan ng inagurasyon ng StBattalion (StB) Giga Factory sa isang ceremonial switch-on sa Filinvest Innovation Park sa New Clark City sa Capas, Tarlac. A   ng StBattalion (StB) Giga Factory […]

  • Malakanyang deadma sa mga patutsada ni VP Sara

    HINDI na papatulan ng Office of the President ang mga patutsada ni Vice President Sara Duterte sa naging press briefing nito.   Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez na hindi maglalabas ng pahayag ang Palasyo kaugnay sa mga atake ni Vice President Sara Duterte.   Mababatid na maaanghang ang mga binitawan na salita […]