Pinas, Moderna nagkasundo sa 13 milyong doses
- Published on March 8, 2021
- by @peoplesbalita
Nagkasundo ang Moderna Inc. at gobyerno ng Pilipinas para sa pagbili ng 13 milyong doses ng bakuna ng kumpanya na nakatakdang ideliber sa bansa sa kalagitnaan ng taon.
Kinumpirma ito mismo ng Moderna Inc. kasabay ng pagsasabi na agad na aasikasuhin ang mga kinakailangang panuntunan tulad ng pagkuha muna ng ‘emergency use authorization (EUA)’ buhat sa Food and Drugs Administration (FDA).
Bukod sa 13 milyong doses sa pagitan ng pamahalaan, inaasahan din na magkakaroon ng hiwalay na kasunduan ang Moderna para suplayan ng pitong milyong doses ang pribadong sektor.
Kasalukuyang ang Pfizer-BioNTech, AstraZeneca at Sinovac vaccines pa lamang ang nabibigyan ng FDA ng EUA para magamit ang kanilang mga bakuna sa bansa kahit nasa development stage pa rin ang mga ito.
Isa pang manufacturer, ang Chinese firm na Sinopharm ang nag-aplay na para sa EUA sa FDA sa kabila na nabigyan ito ng ‘compassionate permit’ makaraang ilang tauhan ng pamahalaan at militar ang unang mabakunahan nito.
-
3 drug suspects arestado sa P1M shabu
NASAMSAM ng mga awtoridad ang higit sa P1- milyon halaga ng shabu sa tatlong sangkot sa droga, kabilang ang No. 1 sa top 10 drug personalities ng Northern Police District (NPD) sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan at Valenzuela Cities, Martes ng gabi. Ayon kay NPD Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, dakong […]
-
NAMARIL NA PULIS MAYNILA, PINAGHAHANAP
PINAGHAHANAP ng Manila Police ang kanilang kabaro matapos na umano’y barilin ang isang lalaki na nagresulta sa kanyang kamatayan at pagkakasugatn ang isa pa sa Tondo Maynila kahapon ng madaling araw. Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Joseph Marga, 32, binata, elevator installer at residente ng Blk.6 JP […]
-
Ads June 14, 2024