• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas naghahanda sa suplay ng oxygen

Naghahanda ang Department of Health (DOH) sa posibilidad ng pagkakaroon ng panibagong ‘surge’ sa mga kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant kung saan nangangailangan ng mas maraming suplay ng oxygen.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mula nang magkaroon ng surge sa India ay nakaalerto na sila at naghahanda na sa posibilidad na makara­ting ang Delta variant sa Pilipinas.

 

 

“Currently our existing oxygen supply is sufficient but we need to add additional so that we can be more prepared,” ayon kay Vergeire.

 

 

May 35 kaso na ng Delta variant sa bansa kabilang ang 11 local ca­ses, dalawa ay sa Metro Manila.

 

 

Patuloy na inaalam ngayon ng DOH kung mayroon ng local transmission nito sa bansa.

 

 

“Our hospitals are now more guided that they should be expanding their beds already. Our local governments have been guided also they should intensify their PDITR (Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate) response,” ayon kay Vergeire. Nabati na ang Delta variant ay higit 60 porsiyentong mas nakakahawa kaysa sa Alpha variant na nakita sa UK.

 

 

Una nang sinabi ng Pilipinas na mag-iexport ito ng oxygen sa Indonesia bilang tulong sa tumataas na kaso ng COVID-19 dahil sa Delta va­riant sa nasabing bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Mga makabagong bayani, pinarangalan ni PBBM

    PINARALANGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga makabagong bayani ng makabagong panahon dahil sa malasakit at kabutihang loob ng mga ito na naging mas mabuti ang kalagayan ng  bansa ngayon.     Sa pagdalo ng Pangulo sa National Heroes Day event sa Libingan  ng mga Bayani, araw ng Lunes, Agosto 29,  bahagi ng talumpati  […]

  • Recto, nanumpa na bilang Kalihim ng DoF

    OPISYAL nang nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si House Deputy Speaker Ralph Recto bilang Kalihim ng Department of Finance (DoF).     Si Pangulong Marcos ang nangasiwa ng oath of office ni Recto sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Biyernes, Enero 11.     Dahil dito, opisyal nang kasama […]

  • P20/kilo ng bigas, tutuparin ni Marcos

    NANGAKO  si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tutuparin ang pangako na ibababa sa P20 per kilo ang presyo ng bigas habang binibigyan ng proteksiyon ang mga magsasaka.       Sinabi ni Marcos noong Huwebes na nakikipag-usap na siya sa ilang traders upang panatilihin muna ang presyo ng bigas sa kasalukuyang presyo.     […]